Ebanghelyo ni Marcos—Ilang Mahahalagang Pangyayari
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod hangga’t posible
Ibang mga pangyayari ang makikita sa bawat mapa ng Ebanghelyo
1. Ministeryo ni Juan na Tagapagbautismo sa ilang na malapit sa Ilog Jordan (Mat 3:1, 2; Mar 1:3-5; Luc 3:2, 3)
2. Bautismo ni Jesus sa Ilog Jordan; sinabi ni Jehova na Anak niya si Jesus (Mat 3:13, 16, 17; Mar 1:9-11; Luc 3:21, 22)
3. Nagsimulang mangaral si Jesus sa Galilea (Mat 4:17; Mar 1:14, 15; Luc 4:14, 15)
4. Sa baybayin ng Lawa ng Galilea, tinawag ni Jesus ang apat na alagad niya para maging mangingisda ng tao (Mat 4:18-22; Mar 1:16-20)
5. Nagturo si Jesus sa sinagoga ng Capernaum (Mar 1:21; Luc 4:31, 38)
6. Umakyat si Jesus sa bundok malapit sa Capernaum at pumili ng 12 apostol (Mar 3:13-15; Luc 6:12, 13)
7. Lawa ng Galilea; pinatahimik ni Jesus ang malakas na bagyo (Mat 8:23-26; Mar 4:37-39; Luc 8:22-24)
8. Posibleng sa Capernaum, hinipo ng isang babae ang damit ni Jesus at gumaling (Mat 9:19-22; Mar 5:25-29; Luc 8:43, 44)
9. Pinakain ni Jesus ang mga 5,000 lalaki sa hilagang-silangan ng Lawa ng Galilea (Mat 14:19-21; Mar 6:39-42, 44; Luc 9:14, 16, 17; Ju 6:10, 11)
10. Pinapunta ni Jesus ang mga alagad niya sa Betsaida sakay ng bangka (Mat 14:22; Mar 6:45)
11. Sa rehiyon ng Tiro at Sidon, pinagaling ni Jesus ang anak ng babaeng Sirofenisa (Mat 15:21, 22, 28; Mar 7:24-26, 29)
12. Dumaan si Jesus sa rehiyon ng Decapolis papunta sa Lawa ng Galilea (Mar 7:31)
13. Nagpagaling si Jesus ng lalaking bulag sa Betsaida (Mar 8:22-25)
14. Nagturo si Jesus sa Perea (Mat 19:1-3; Mar 10:1, 2)
15. Nagpagaling si Jesus ng mga lalaking bulag malapit sa Jerico (Mat 20:29, 30, 34; Mar 10:46, 47, 51, 52; Luc 18:35, 40-43)
16. Nilinis ni Jesus ang templo (Mat 21:12, 13; Mar 11:15-17; Luc 19:45, 46)
17. Sa kabang-yaman ng templo sa Looban ng mga Babae, nakita ni Jesus ang isang mahirap na biyuda na naghuhulog ng dalawang barya (Mar 12:42-44; Luc 21:1-4)
18. Noong papunta si Jesus sa Bundok ng mga Olibo mula sa templo, inihula niya ang pagkawasak ng templo (Mat 24:1, 2; Mar 13:1, 2; Luc 21:5, 6)
19. Sa lunsod ng Jerusalem, naghanda ang mga alagad para sa Paskuwa (Mar 14:13-16; Luc 22:10-13)
20. Dinala si Jesus sa bahay ng mataas na saserdoteng si Caifas (Mat 26:57-59; Mar 14:60-62; Luc 22:54)
21. Sa bulwagan ng Sanedrin, muling humarap si Jesus sa Sanedrin (Mar 15:1; Luc 22:66-69)