Ebanghelyo ni Mateo—Ilang Mahahalagang Pangyayari
Inilista ang mga pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod hangga’t posible
Ibang mga pangyayari ang makikita sa bawat mapa ng Ebanghelyo
1. Ipinanganak si Jesus sa Betlehem (Mat 2:1; Luc 2:4-6)
2. Tinukso ni Satanas si Jesus sa ilang ng Judea (Mat 4:1-3; Mar 1:12, 13; Luc 4:1-4)
3. Unang paglalakbay ni Jesus sa Galilea para mangaral kasama ang unang apat na mga alagad niya; posibleng nagsimula siya malapit sa Capernaum (Mat 4:23; Mar 1:38, 39; Luc 4:42, 43)
4. Inanyayahan ni Jesus si Mateo noong malapit siya sa Capernaum (Mat 9:9; Mar 2:14; Luc 5:27, 28)
5. Binigkas ni Jesus ang Sermon sa Bundok sa maburol na lugar malapit sa Capernaum (Mat 5:1, 2; Luc 6:17, 20)
6. Sa silangang panig ng Lawa ng Galilea, may nakasalubong si Jesus na mga lalaking sinasapian ng demonyo; pinapunta niya sa mga baboy ang mga demonyo (Mat 8:28, 31, 32; Mar 5:1, 2, 11-13; Luc 8:26, 27, 32, 33)
7. Itinakwil si Jesus ng mga kababayan niya sa Nazaret (Mat 13:54-57; Mar 6:1-3)
8. Ikatlong paglalakbay sa Galilea para mangaral, posibleng mula sa lugar malapit sa Nazaret (Mat 9:35, 37, 38; Mar 6:6, 7; Luc 9:1, 2)
9. Pinatay si Juan Bautista; lumilitaw na nangyari ito sa Tiberias (Mat 14:10; Mar 6:27)
10. Pagkatapos maglakbay sa rehiyon ng Tiro at Sidon, pinakain ni Jesus ang mga 4,000 lalaki sa silangang panig ng Lawa ng Galilea (Mat 15:29, 36-38; Mar 8:1, 2, 6, 9)
11. Nagpunta si Jesus sa rehiyon ng Magadan; humingi ng tanda mula sa langit ang mga Pariseo at Saduceo (Mat 15:39; 16:1, 2, 4; Mar 8:10-12)
12. Sa rehiyon ng Cesarea Filipos, sinabi ni Pedro na si Jesus ang Kristo; ipinangako ni Jesus kay Pedro ang mga susi ng Kaharian (Mat 16:13-16, 19)
13. Ang pagbabagong-anyo ni Jesus, na posibleng naganap sa isa sa matataas na bahagi ng Bundok Hermon (Mat 17:1, 2; Mar 9:2, 3; Luc 9:28, 29)
14. Sinabi ulit ni Jesus na mamamatay siya at bubuhaying muli; posibleng nasa Perea siya nito (Mat 20:17-19; Mar 10:32-34; Luc 18:31-33)
15. Dumating si Jesus sa Betania; binuhusan ni Maria ng langis ang ulo at paa ni Jesus (Mat 26:6, 7, 12, 13; Mar 14:3, 8, 9; Ju 12:1, 3, 7, 8)
16. Sa Bundok ng mga Olibo, tinanong ng mga alagad si Jesus tungkol sa tanda ng presensiya niya (Mat 24:3; Mar 13:3, 4; Luc 21:7)
17. Sa Jerusalem, pinasimulan ni Jesus ang Hapunan ng Panginoon (Mat 26:26-28; Mar 14:22-24; Luc 22:19, 20)
18. Nabagabag si Hudas at nagbigti; binili ng mga saserdote ang bukid na nakilala bilang Bukid ng Dugo (Akeldama) (Mat 27:3-8)
19. Humarap si Jesus kay Pilato sa palasyo ng gobernador (Mat 27:11-14; Mar 15:1, 2; Luc 23:1-3; Ju 18:33, 36, 37)
20. Inilibing si Jesus (Mat 27:57-60; Mar 15:43-46; Luc 23:50, 52, 53; Ju 19:38, 40-42)
21. Sa Galilea, ibinigay ni Jesus ang utos na gumawa ng alagad (Mat 28:16-20)