Alakdan
May mahigit 600 uri ng alakdan na iba-iba ang laki. May mas maliit sa 2.5 cm (1 in), at ang iba ay umaabot nang 20 cm (8 in). Mga 12 uri nito ang makikita sa Israel at Sirya. Karaniwan nang hindi nakakamatay ang tibo ng mga alakdan, pero may ilang uri nito na mas makamandag pa kaysa sa mapanganib na mga ahas sa disyerto. Ang pinakamakamandag na uri ng alakdan sa Israel ay ang dilaw na Leiurus quinquestriatus (makikita rito). Sinabi sa Apo 9:3, 5, 10 kung gaano kasakit matibo ng isang alakdan. Maraming alakdan sa ilang ng Judea at sa “nakakatakot na ilang” ng Peninsula ng Sinai.—Deu 8:15.
Credit Line:
Image © Protasov AN/Shutterstock
Kaugnay na (mga) Teksto: