Bundok Gerizim
Makikita sa video ang Bundok Gerizim (1) na malapit sa sinasabing lokasyon ng balon ni Jacob (2), kung saan kinausap ni Jesus ang Samaritana (Ju 4:6, 7). Makikita rin dito ang Bundok Ebal (3). Ang Bundok Gerizim ay matatagpuan sa gitna ng distrito ng Samaria. Ang pinakamataas na bahagi nito ay mahigit 850 m (2,800 ft) mula sa Dagat Mediteraneo. Ang lunsod ng Nablus ngayon ay nasa pagitan ng mga bundok sa mabungang lambak ng Sikem. May itinayong templo ng mga Samaritano sa Bundok Gerizim, posibleng noong ikaapat na siglo B.C.E., pero winasak ito noong 128 B.C.E. Maliwanag na ang Bundok Gerizim ang tinutukoy ng Samaritana nang sabihin niya kay Jesu-Kristo: “Ang mga ninuno namin ay sumamba sa bundok na ito, pero sinasabi ninyo na sa Jerusalem dapat sumamba ang mga tao.” Para ipakita na ang tunay na pagsamba ay hindi nakadepende sa pisikal na lokasyon, sinabi ni Jesus: “Darating ang panahon na hindi na ninyo sasambahin ang Ama sa bundok na ito o sa Jerusalem man.”—Ju 4:20, 21.
Kaugnay na (mga) Teksto: