Romanong Sibat
Ang mga sundalong Romano ay karaniwan nang may hawak na mahahabang sandata na puwedeng ipansaksak o ihagis. Ang pilum (1) ay dinisenyo para ipantuhog sa kalaban. Dahil mabigat ito, hindi ito maihahagis nang malayo, pero kaya nitong bumutas ng baluti o kalasag. May mga ebidensiya na ang mga hukbong Romano ay kadalasan nang may dalang pilum. Ang mas simpleng mga sibat (2) ay isang mahabang kahoy na may matulis na bakal sa dulo. Ang mga reserbang sundalo ay nagdadala kung minsan ng isa o mas marami pang ganitong sibat. Hindi alam kung anong uri ng sibat ang ginamit na pansaksak sa tagiliran ni Jesus.
Kaugnay na (mga) Teksto: