MANINIBAT, MGA
Mga kawal na nasasandatahan ng mga sibat. Noong sinauna, sila ang bumubuo ng isang seksiyon ng impanterya na may magagaan na sandata, at sinusuportahan sila ng mga mamamana at mga tagapaghilagpos. Kadalasan, may dalang mga sibat ang mga tagapagpatakbo ng karo at mga kabalyero. Ang mga maninibat ay bahagi ng mga hukbong Romano na sumakop noon sa Palestina, anupat 200 sa mga ito ang kasama nang palihim na ihatid si Pablo papalabas ng Jerusalem.—Gaw 23:23.