Kulungan ng Tupa
Ang kulungan ng tupa ay gaya ng bakod na dinisenyo para protektahan ang mga tupa mula sa mga magnanakaw at mababangis na hayop. Ipinapasok ng mga pastol ang kawan nila sa kulungan ng tupa kapag gabi. Noong panahon ng Bibliya, ang mga kulungan ng tupa ay walang bubong, iba-iba ang hugis at laki, at kadalasan nang gawa sa bato ang mga pader at may isang pasukan lang. (Bil 32:16; 1Sa 24:3; Zef 2:6) Makikita sa sinabi ni Juan na ang mga kulungan ng tupa ay may “pinto” na may “bantay.” (Ju 10:1, 3) May mga kulungan din ng tupa kung saan puwedeng magpalipas ng gabi ang maraming kawan, at poprotektahan sila ng bantay sa pinto. Sa umaga, bubuksan niya ang pinto para sa mga pastol. Tatawagin ng bawat pastol ang kawan niya, at makikilala ng mga tupa ang tinig ng pastol nila at susunod. (Ju 10:3-5) Ginamit ito ni Jesus para ilarawan kung paano niya inaalagaan ang mga alagad niya.—Ju 10:7-14.
Kaugnay na (mga) Teksto: