Mga Altar Para sa Di-kilalang mga Diyos
Sa pahayag ni Pablo sa Areopago sa Atenas, may binanggit siyang “isang altar kung saan nakasulat, ‘Sa Isang Di-kilalang Diyos.’” (Gaw 17:23) Pinapatunayan ng mga akda at arkeolohiya na talagang may ganitong mga altar sa Imperyo ng Roma. Halimbawa, si Pausanias, isang heograpo noong ikalawang siglo C.E., ay sumulat tungkol sa mga altar sa Gresya para sa di-kilalang mga diyos, at espesipikong binanggit ni Philostratus ng ikalawa at ikatlong siglo C.E. ang ganitong mga altar sa Atenas. Makikita sa unang larawan ang labí ng isang altar sa Pergamo (sa Türkiye ngayon) noong ikalawang siglo C.E. Hindi buo ang inskripsiyon, pero malamang na ang mababasa sa unang linya ay “Para sa di-kilalang mga diyos.” Makikita naman sa ikalawang larawan ang isang altar sa Burol ng Palatine sa Roma. Ang altar ay mula noong mga 100 B.C.E. at para ito sa isang di-kilalang bathala. Sinusuportahan nito ang ulat ng Bibliya tungkol sa ganitong mga altar.
Credit Line:
Su concessione del Ministero dei beni e delle attività culturali e del turismo; Soprintendenza Speciale per il Colosseo e l’Area archeologica centrale di Roma
Kaugnay na (mga) Teksto: