Si Saul at ang Damasco
Malamang na ito ang hitsura ng lunsod ng Damasco noong unang siglo C.E. Sentro ito ng kalakalan, at dahil sa tubig na makukuha sa Ilog Barada (Abana sa 2Ha 5:12) na malapit dito, naging gaya ng oasis ang palibot ng lunsod. Maraming sinagoga sa Damasco. Nagpunta si Saul sa lunsod na iyon para arestuhin ang “sinumang mahanap niya na kabilang sa Daan,” isang ekspresyong tumutukoy sa mga tagasunod ni Jesus. (Gaw 9:2; 19:9, 23; 22:4; 24:22) Pero sa daan papuntang Damasco, nagpakita ang niluwalhating si Jesus kay Saul. Pagkatapos nito, nanatili si Saul nang ilang panahon sa Damasco sa bahay ng lalaking nagngangalang Hudas, na nasa lansangang tinatawag na Tuwid. (Gaw 9:11) Sa isang pangitain, inutusan ni Jesus ang alagad na si Ananias na magpunta sa bahay ni Hudas para ibalik ang paningin ni Saul. Pagkatapos, nabautismuhan si Saul. Kaya sa halip na arestuhin ang mga Judiong Kristiyano, naging isa pa si Saul sa kanila. Nagsimula siyang mangaral ng mabuting balita sa mga sinagoga sa Damasco. Pagkatapos magpunta ni Saul sa Arabia at bumalik sa Damasco, umuwi siya sa Jerusalem, malamang noong mga 36 C.E.—Gaw 9:1-6, 19-22; Gal 1:16, 17.
A. Damasco
1. Daan papuntang Jerusalem
2. Lansangang tinatawag na Tuwid
3. Pamilihan
4. Templo ni Jupiter
5. Teatro
6. Teatro Para sa Musika (?)
B. Jerusalem
Kaugnay na (mga) Teksto: