Ang Theodotus Inscription na Para sa mga Judiong Nagsasalita ng Griego
Sa larawan, ang nakaukit sa isang piraso ng batong-apog na may habang 72 cm (28 in) at lapad na 42 cm (17 in) ay tinatawag na Theodotus Inscription. Nadiskubre ito noong pasimula ng ika-20 siglo sa burol ng Opel sa Jerusalem. Mababasa rito sa wikang Griego na si Theodotus, na isang saserdote, ang “nagtayo ng sinagoga para sa pagbabasa ng Kautusan at pagtuturo ng mga batas.” Ang inskripsiyon ay mula pa noong panahon bago wasakin ang Jerusalem noong 70 C.E. Pinapatunayan nito na mayroong mga Judiong nagsasalita ng Griego sa Jerusalem noong unang siglo C.E. (Gaw 6:1) Sinasabi ng ilan na ang sinagogang ito ang “Sinagoga ng mga Pinalaya.” (Gaw 6:9) Mababasa rin sa inskripsiyon na si Theodotus, pati na ang kaniyang ama at lolo, ay may titulong ar·khi·sy·naʹgo·gos (“punong opisyal ng sinagoga”). Maraming beses na ginamit ang titulong ito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. (Mar 5:35; Luc 8:49; Gaw 13:15; 18:8, 17) Mababasa rin sa inskripsiyon na nagtayo si Theodotus ng mga tuluyan para sa mga bumibisita mula sa ibang bansa. Ang mga tuluyang binanggit sa inskripsiyon ay malamang na ginamit ng mga Judio na bumibisita sa Jerusalem, lalo na ng mga nagpupunta roon para sa taunang mga kapistahan.—Gaw 2:5.
Credit Line:
Courtesy of Israel Antiquities Authority
Kaugnay na (mga) Teksto: