Pentecostes 33 C.E. at ang Paglaganap ng Mabuting Balita
Noong Pentecostes 33 C.E., “nasa Jerusalem ang . . . mga Judio na mula sa bawat bansa sa buong lupa.” (Gaw 2:5) Nang ibuhos ang banal na espiritu sa mga Kristiyanong alagad, makahimala silang nakapagsalita ng mga wika ng mga Judiong bumibisita sa Jerusalem. (Gaw 2:4, 8) Hangang-hanga ang mga tao nang marinig nila ang mabuting balita sa sarili nilang wika. Ayon sa Gaw 2:9-11, galing sila sa 15 magkakaibang rehiyon. Marami sa kanila ang naging mánanampalatayá, at siguradong dinala nila ang mabuting balita sa sarili nilang bayan. Sa mapa, ang mga lugar na ito ay nilagyan ng numero ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito sa Gaw 2:9-11.—Gaw 2:41, 44, 47.
Kaugnay na (mga) Teksto: