Pangangaral sa Bahay-bahay
Pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., patuloy na dinala ng mga alagad ni Jesus ang mabuting balita sa bahay ng mga tao. Kahit inutusan silang “huwag nang magsalita,” sinasabi ng ulat na “araw-araw sa templo at sa bahay-bahay, walang pagod silang nagpatuloy sa pagtuturo at paghahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo, si Jesus.” (Gaw 5:40-42) Noong mga 56 C.E., sinabi ni apostol Pablo sa matatandang lalaki sa Efeso: ‘Hindi ako nag-atubiling turuan kayo nang hayagan at sa bahay-bahay.’ (Gaw 20:20) Ang tinutukoy ni Pablo ay ang pagsisikap niyang pangaralan ang mga lalaking ito noong hindi pa sila mánanampalatayá at kailangan pa nilang matuto “tungkol sa pagsisisi at pagbaling sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong Jesus.” (Gaw 20:21) Kapag nakakakita siya ng mga taong interesado, siguradong bumabalik siya sa bahay ng mga ito para turuan pa sila nang higit at patibayin ang pananampalataya nila kapag naging mánanampalatayá na sila.—Tingnan ang study note sa Gaw 5:42; 20:20.
Kaugnay na (mga) Teksto: