Prusisyon ng Tagumpay
Noong namamahala ang Roma, pinaparangalan ng Senado ang isang matagumpay na heneral sa pamamagitan ng isang prusisyon ng tagumpay. Kadalasan nang kasama sa prusisyon ang mga musikero, na sinusundan ng mga lalaking may hatak na bakang kakatayin. Kasunod nito ang mga samsam sa digmaan, pagkatapos ay ang nabihag na mga hari, matataas na opisyal, heneral, at ang kani-kanilang mga pamilya. Susundan ang mga ito ng iba pang natalong kaaway na nakakadena. Nasa likod nila ang mga lalaking papatay sa kanila, pagkatapos ay ang heneral na nakasakay sa engrandeng karwahe. Ang mga prusisyon ng tagumpay ay itinatampok sa mga eskultura, painting, at barya, pati na rin sa mga akda at palabas sa teatro. Ginamit ni apostol Pablo ang “prusisyon ng tagumpay” sa dalawang ilustrasyon niya. (2Co 2:14; Col 2:15) Ito lang ang dalawang paglitaw sa Bibliya ng pandiwang Griego na thri·am·beuʹo, na isinasaling “akayin sa isang prusisyon ng tagumpay.”
Kaugnay na (mga) Teksto: