Neapolis
Makikita sa larawan ang lunsod ng Kavála sa ngayon, na dating lokasyon ng Neapolis. Ang Neapolis ay nasa pinakahilaga ng Dagat Aegeano, at ito ang daungan para sa Filipos, isang kalapít na lunsod sa hilagang-kanluran. Ang Neapolis ang unang lugar sa Europa na pinuntahan ni Pablo dahil sa panawagan na ‘pumunta sa Macedonia.’ (Gaw 16:9, 11, 12) Malamang na dumaan ulit siya sa Neapolis sa ikatlong paglalakbay niya bilang misyonero. (Gaw 20:2, 6) Kaunti lang ang natirang guho ng Romanong lunsod na ito, pero puwede pang makapaglakbay sa ilang bahagi ng Daang Egnatia (Via Egnatia) sa malapit. Ang daang ito, na itinayo ng mga Romano, ang pangunahing ruta ng mga naglalakbay pasilangan o pakanluran at mga 800 km (500 mi) ang haba. Pinagdurugtong nito ang maraming lunsod sa Europa, at umaabot ito sa hangganan ng Asia. Maraming lunsod na binisita si Pablo na nasa Daang Egnatia, gaya ng Neapolis, Filipos, Amfipolis, Apolonia, at Tesalonica.—Gaw 17:1.
Kaugnay na (mga) Teksto: