Berea
Makikita rito ang lunsod ng Veroia sa ngayon, sa Gresya. Ito ang dating lokasyon ng Berea, isang lunsod na dinalaw nina Pablo at Silas. Matatagpuan ito mga 30 km (19 mi) sa timog ng kilaláng kalsada ng mga Romano, ang Daang Egnatia (Via Egnatia), at mga 65 km (40 mi) sa timog-kanluran ng Tesalonica. Parehong tinanggap ng mga Judio at Griego sa Berea ang mabuting balita. Pero nang dumating ang mga pasimuno ng gulo mula sa Tesalonica at sulsulan ang mga tao na umugin si Pablo, sinabihan siya ng mga kapatid sa Berea na umalis na. Pero nanatili sina Silas at Timoteo sa Berea nang ilang panahon para patibayin ang bagong kongregasyon. (Gaw 17:10-14) Ang Berea ang huling lunsod na binisita ni Pablo sa mahirap pero mabungang teritoryo ng Macedonia noong ikalawang paglalakbay niya bilang misyonero.
Kaugnay na (mga) Teksto: