Ang Lambak ng Jezreel
Ito ang tanawin mula sa bangin na malapit sa Nazaret kung nakaharap sa timog. Makikita rito ang silangan at kanlurang bahagi ng mabungang Lambak ng Jezreel, na nabanggit sa iba’t ibang ulat ng Bibliya. (Jos 17:16; Huk 6:33; Os 1:5) Sa kaliwa, kitang-kita ang burol ng More, at nasa dalisdis nito ang lunsod ng Nain. Sa Nain binuhay-muli ni Jesus ang anak ng isang biyuda. (Huk 7:1; Luc 7:11-15) Sa gitna, maaaninag ang Bundok Gilboa. (1Sa 31:1, 8) Lumaki si Jesus sa kalapit nitong nayon ng Nazaret at posibleng nagpunta siya rito, kung saan matatanaw ang ilang mahahalagang lugar sa kasaysayan ng Israel.—Luc 2:39, 40.
Kaugnay na (mga) Teksto: