Kasuotan at Mahabang Damit
Noong panahon ng Bibliya, ang damit ay isa sa pinakaimportanteng pag-aari ng isang tao. Ginagawan ni Dorcas ng “maraming kasuotan at mahabang damit” ang mga biyuda. (Gaw 9:39) Ang salitang Griego na isinaling “kasuotan” (khi·tonʹ) ay tumutukoy sa isang uri ng tunika; puwede rin itong isaling “panloob na kasuotan” (1). Ayon sa kostumbre ng mga Griego at Romano, karaniwan nang maikli ang tunika ng mga lalaki at hanggang bukung-bukong naman ang tunika ng mga babae. Ang salitang Griego na isinaling “mahabang damit” (hi·maʹti·on) ay puwede ring isaling “panlabas na kasuotan” (2) dahil karaniwan nang ipinang-iibabaw ito sa tunika, o panloob na kasuotan.
Kaugnay na (mga) Teksto: