Paghuhugpong ng Sanga ng Ligáw na Olibo sa Inaalagaang Punong Olibo
Inihuhugpong ng magsasakang ito ang isang sanga ng ligáw na punong olibo sa inaalagaang punong olibo. Ikinumpara ni Pablo ang mga sanga ng inaalagaang olibo sa mga Judio at ang mga sanga ng ligáw na olibo sa mga Gentil. Maraming likas na Judio ang hindi nanampalataya kay Jesus, kaya inihugpong ang mga Gentil kapalit nila bilang mga miyembro ng espirituwal na Israel. (Ro 11:13, 17) Ipinaalala ni Pablo sa kongregasyon sa Roma na dapat panatilihin ng mga Judio at Gentil ang pananampalataya nila kay Kristo at pahalagahan ang kabaitan ng Diyos. (Ro 10:4; 11:22) Ginamit niya ang ilustrasyon tungkol sa punong olibo para idiin ang isang bahagi ng tema ng liham niya sa mga taga-Roma: Hindi nagtatangi ang Diyos, at binibigyan niya ng pagkakataong maligtas “ang bawat isa na may pananampalataya,” Judio man o Gentil. Kaya dapat manatiling nagkakaisa ang mga Kristiyano, anuman ang pinagmulan nila.—Ro 1:16, 17; 2:11; 10:12.
Kaugnay na (mga) Teksto: