Tagapagbantay
Makikita sa salitang Griego na pai·da·go·gosʹ, na isinaling “tagapagbantay,” o “tagapagturo,” sa Gal 3:24, 25, ang isang paglalarawan. Sa mayayamang Griego at Romanong pamilya noon, ipinagkakatiwala ang mga batang lalaki sa pangangalaga ng isang tagapagbantay. Karamihan sa mga tagapagbantay ay alipin, pero may ilan na inuupahan lang. Malaking halaga ang ibinabayad ng ilang pamilya para bumili o umupa ng isang tagapagbantay. Aalagaan ng tagapagbantay ang bata mula anim o pitong taóng gulang hanggang sa pagtanda. Lagi niyang sasamahan ang bata kapag nasa labas para hindi ito mapahamak. Siya rin ang magtuturo sa bata ng magandang asal; gagabayan niya ito, itutuwid, at didisiplinahin. Lumitaw rin ang salitang Griego para sa tagapagbantay sa unang liham ni Pablo sa mga taga-Corinto.—1Co 4:15.
Kaugnay na (mga) Teksto: