Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w98 11/15 p. 3-4
  • Mayroon Ka Bang Anghel De La Guwardiya?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mayroon Ka Bang Anghel De La Guwardiya?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagkawili sa mga Anghel
  • Pagkabighani sa mga Anghel
    Gumising!—1999
  • May Guardian Angel Ka Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pampubliko)—2017
  • Sino o Ano ang mga Anghel?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Kung Paano Ka Matutulungan ng mga Anghel
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
w98 11/15 p. 3-4

Mayroon Ka Bang Anghel De La Guwardiya?

NANINIWALA ka bang mayroon kang anghel de la guwardiya? Maraming tao ang nag-aakalang mayroon sila. Tungkol sa bagay na ito, isang babae sa kanluraning Canada ang sinasabing may pantanging kaloob may kinalaman sa mga anghel. Kung ibibigay mo sa kaniya ang iyong buong pangalan kasama ang $200, sinasabi niyang magagawa niyang makausap mo ang iyong anghel de la guwardiya. Una muna, magbubulay-bulay siya sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa ningas ng kandila. Pagkatapos, mayroon siyang pangitain kung saan ang iyong anghel ay nagbibigay sa kaniya ng isang mensahe na sasabihin sa iyo. Bilang karagdagan, bibigyan ka ng babae ng isang guhit ng kung ano ang hitsura ng iyong anghel.

Sa ilan, parang katumbas ito ng kuwento tungkol sa Pranses na Haring Louis IX. Ipinalalagay na siya’y bumili ng napakamahal na mga balahibo na sinasabing nahulog mula sa mga pakpak ni Arkanghel Miguel. Bagaman pinagdududahan ang kuwentong ito, agad namang tinatanggap ng marami ang sinasabi ng babaing taga-Canada.

Pagkawili sa mga Anghel

Nagkaroon ng malaking interes sa mga anghel nitong nakalipas na mga taon. Tayo’y sinabihan sa telebisyon at sa mga pelikula, aklat, magasin, at mga pahayagan tungkol sa mga anghel na inaaliw ang mga may malubhang karamdaman, inaaliw ang mga naulila, nagbibigay ng karunungan, at inaagaw ang mga indibiduwal mula sa kamatayan. Sa Estados Unidos, mga 20 milyon ang nanonood ng isang lingguhang serye sa telebisyon na naglalarawan sa mga anghel na nakikialam sa buhay ng mga tao. Itinatala ng isang tindahan ng aklat ang mahigit na 400 aklat na patungkol sa mga anghel.

Inilalahad ng isang aklat kamakailan ang mga karanasan sa kung paanong iniligtas ng mga anghel de la guwardiya ang buhay ng mga sundalong nakikipagdigma. Sinasabi ng mga nakadikit sa bamper ng kotse na ang mga tsuper ay protektado ng mga anghel de la guwardiya. Itinataguyod ng mga organisasyon, komperensiya, at mga seminar ang pag-aaral sa mga anghel at sinasabing tumutulong ang mga ito sa mga tao na makipagtalastasan sa kanila.

Si Eileen Freeman ang manunulat ng tatlong aklat tungkol sa mga anghel at ang tagapaglathala ng isang babasahin na pantanging nakatalaga sa mga ito. Iginigiit niya: “Naniniwala ako na sa bawat anghel sa langit ay may katapat na anghel de la guwardiya sa Lupa, isang kinapal na ang mga tungkulin ay hindi lamang ang pumuri sa Diyos sa kalangitan kundi ang aktuwal na mangalaga sa mga tao at sa iba pang anyo ng buhay sa Lupa. Ang isang anghel de la guwardiya ay nakatalaga sa bawat isa sa atin nang tayo’y ipaglihi at nagbabantay sa atin sa ating paglaki sa bahay-bata, sa ating pagsilang, sa ating buhay sa daigdig na ito, hanggang sa akayin tayo ng anghel mula sa mga sulok ng daigdig na ito tungo sa kaluwalhatian ng langit.” Mainam na inilalarawan nito ang popular na pangmalas tungkol sa mga anghel de la guwardiya.

Sa maigting at mahirap na panahong ito, nakagiginhawang maniwala na mayroon tayong sariling anghel de la guwardiya, na ang tungkulin ay pangalagaan tayo. Ano ang sinasabi ng Salita ng Diyos, ang Bibliya, tungkol dito? Dapat ba nating sikaping makipag-ugnayan sa mga anghel? Nababahala ba sila tungkol sa ating mga pamantayang moral at relihiyosong paniniwala? Anong tulong ang maaasahan natin mula sa kanila? Sasagutin ang mga tanong na ito sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share