Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g99 11/22 p. 3-4
  • Pagkabighani sa mga Anghel

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagkabighani sa mga Anghel
  • Gumising!—1999
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Popularidad ng Anghel
  • Daan-Daang Aklat
  • Kung Paano Ka Matutulungan ng mga Anghel
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
  • Patunayan ang mga Kuwento
    Gumising!—1999
  • Mga Anghel—Apektado ba Nila ang Buhay Mo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Mayroon Ka Bang Anghel De La Guwardiya?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1998
Iba Pa
Gumising!—1999
g99 11/22 p. 3-4

Pagkabighani sa mga Anghel

“Tayong ‘lahat’ ay may mga anghel na gumagabay at nagbabantay sa atin . . . Kung hindi natin sila gagambalain at ilalapit natin ang ating mga sarili na may lubusang pagtitiwala at pag-ibig at mapagpakumbabang pagpapahalaga, na tulad ng mga bata, kung magkagayon ay saganang ibubuhos nila ang kanilang pagpapala sa atin. Nakikipaglaro sila sa atin. Inaalagaan nila tayo. Pinagagaling nila tayo, inaantig tayo, at inaaliw tayo sa pamamagitan ng di-nakikitang mainit na mga kamay, at lagi nilang pinagsisikapang ibigay ang gusto natin.”​—Mula sa aklat na “Angel Letters.”

DAPAT mong tanggapin na ang popular na pangmalas na ito tungkol sa mga anghel ay may panghalina. Ayon sa pangmalas na tinatawag ng ilan na “ang bagong espirituwalidad,” di-kukulangin sa isang anghel ang nakaatas sa bawat isa sa atin, isang anghel na ang tungkulin ay aliwin tayo at ingatan tayo mula sa panganib. Ang iyong anghel ay sinasabing kapuwa makapangyarihan at maibigin. Hindi siya humihiling ng pagsunod o pagsamba, at hindi ka niya kailanman hahatulan o kagagalitan. Siya’y laging nasa tabi mo, nakatalaga sa iyong kapakanan at sabik na tuparin ang bawat kahilingan mo. Marami sa ngayon ang taimtim na naniniwala sa mga bagay na ito.

Sabihin pa, hindi bago ang paniniwala sa mga anghel. Malaking papel ang ginampanan nila sa relihiyosong paniniwala ng mga tao mula pa noong sinaunang panahon. Masasalamin ito sa sining. Mga larawan ng mga kerubin, isang uri ng anghel, ang nakaadorno sa sinaunang tabernakulo at templo ng mga Judio. Ang mga simbahan at mga katedral sa buong Sangkakristiyanuhan ay napalalamutian ng mga anghel. Ang mga museo ay punô ng mga ipinintang larawan at eskultura ng mga anghel.

Popularidad ng Anghel

Kamakailan lamang, ang mga anghel ay naging lubhang popular sa ilang lupain. Kadalasang inilalarawan ng mga pelikula ang mga anghel bilang mga tao na namatay at nagbalik sa lupa upang magsagawa ng mabubuting gawa. Sa isang pelikula, tinulungan ng mga anghel ang isang natatalong koponan sa baseball. Sa isa naman, isang anghel de la guwardiya ang tumulong sa isang tin-edyer na lalaki na ipaghiganti ang pagpaslang sa kaniyang nobya. Umuunlad din ang temang tumutulong na anghel sa isang popular na programa na ipinalalabas sa telebisyon sa Estados Unidos.

Maraming awit tungkol sa mga anghel. Nito lamang nakaraang mga dekada, 1 sa bawat 10 popular na awit sa Estados Unidos ang bumanggit ng isang anghel. Noong kalagitnaan ng dekada ng 1990, mahigit sa 120 “angel boutiques” ang nagbukas sa Amerika. Ang mga tindahang ito ay nagbebenta ng anghel na mga pigurin, palawit, at mga papel at sobreng may larawan ng anghel​—maging mga laruang inaalog ng mga sanggol na may palamuting mga larawan ng anghel. May mga seminar at mga babasahin na umano’y nagtuturo sa mga tao kung paano makikipag-ugnayan sa makalangit na mga nilikhang ito. Ang mga magasin, pahayagan, at mga talk show sa telebisyon ay naglalahad ng mga kuwento na may mga tao raw na nakakita ng mga anghel.

Daan-Daang Aklat

Karagdagan pa, nariyan ang mga aklat. Isang malaking tindahan ng mga aklat sa New York City ang nag-aalok ng mahigit na 500 iba’t ibang aklat na tumatalakay sa mga anghel, lalo na ang tungkol sa mga anghel de la guwardiya. Ang mga aklat na ito ay nangangako na ipakita sa kanilang mga mambabasa kung paano makikipag-ugnayan sa mga anghel de la guwardiya, malalaman ang kanilang mga pangalan, makakausap, at mahihingan ng tulong ang mga ito. Ang mga aklat na ito’y naglalaman ng maraming kuwento ng kung paano lumitaw ang mga anghel sa mga panahon ng pangangailangan, na kanilang inililigtas ang mga tao sa daan ng dumarating na mga sasakyan, pinagagaling ang nakamamatay na mga karamdaman, binibigyan ng kaaliwan ang mga nasa kabagabagan, at iniingatan ang mga sundalo sa larangan ng digmaan. Ang mga anghel na ito ay naglilingkod “nang hindi humihiling ng anumang tanda ng pagsisisi, pagkakumberte, o katapatan sa doktrina.” Subalit bihira sa ganitong mga “pagpapakita” sa makabagong-panahon ang nakapag-uudyok sa mga tao na baguhin ang kanilang buhay. Yaong nagsasabing nagkaroon sila ng gayong mga karanasan ay karaniwang nakadarama lamang ng bahagyang masiglang pakiramdam pagkatapos.

Sa panahon ng kaigtingan at krisis, ang mga kuwentong ito ay waring tulad ng hindi kapani-paniwalang mabuting balita. Subalit mapagkakatiwalaan ba ito? Mahalaga ba ito?

[Blurb sa pahina 4]

Inaakala ng marami na personal silang nakakita ng mga anghel

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share