Bundok Sinai
Sa Kasulatan, tinatawag na “bundok ng tunay na Diyos” ang Bundok Sinai, na kilalá ring Bundok Horeb. (Exo 3:1, 12; 24:13, 16; 1Ha 19:8; Gaw 7:30, 38) Sa paanan ng Bundok Sinai nagkabisa ang tipang Kautusan. (Exo 19:3-14; 24:3-8) Dahil dito, sinabi ni apostol Pablo na ang Kautusang Mosaiko ay tipan “mula sa Bundok Sinai.” (Gal 4:24) Sinabi ni Pablo na ang Bundok Sinai ay “isang bundok sa Arabia,” pero hindi tiyak ang eksaktong lokasyon nito. (Gal 4:25) Pinaniniwalaan na bahagi ito ng isang hanay ng granitong bundok (makikita sa gitna ng larawan) na nasa Peninsula ng Sinai sa pagitan ng dalawang sanga sa hilaga ng Dagat na Pula.
Kaugnay na (mga) Teksto: