Ang Doktor at ang Ilan sa mga Kagamitan Niya
Makikita sa larawan (kaliwa) ang ilan sa mga kagamitan ng mga doktor noong panahon ng mga Romano. De-kalidad ang gamit ng ilang doktor, gaya ng mga panghiwa (scalpel), gunting, at pang-ipit (forceps). Gumagamit din sila ng mga gamot na galing sa halaman, pati na ng mga antiseptiko gaya ng alak at sukà. (Ihambing ang Luc 10:34.) Hindi nakikialam ang gobyerno noon sa mga doktor. May ilang doktor na propesyonal—magaling sa paggamot ng mga sakit at pag-oopera—pero may iba na nagpapanggap lang na doktor. Posibleng nakadepende ang kita at katayuan ng isang doktor sa mga pasyente niya. May ilang doktor na eksklusibong nagtatrabaho para sa isang mayamang tao o pamilya. Ang ilan ay doktor ng isang nayon, lunsod, o ng mga sundalo. May mga doktor na nagtatrabaho sa sarili nilang bahay, pero may ilan namang pumupunta sa bahay ng mga pasyente. “Ang minamahal na doktor” na si Lucas ay sumama sa ilang paglalakbay ni apostol Pablo bilang misyonero.—Col 4:14.
Credit Line:
Courtesy of Historical Collections & Services, Claude Moore Health Sciences Library, University of Virginia
Kaugnay na (mga) Teksto: