Nagtrabaho si Pablo Para Masuportahan ang Ministeryo Niya sa Tesalonica
Ang unang liham ni Pablo sa mga taga-Tesalonica ang pinakauna sa mga liham niya na nasa Bibliya. Bumisita si Pablo sa Tesalonica noong mga 50 C.E. sa ikalawang paglalakbay niya bilang misyonero. Nakaranas agad ng pag-uusig ang bagong-tatag na kongregasyon doon, kaya kinailangang umalis nina Pablo at Silas sa lunsod. (Gaw 17:1-10, 13) Noong nasa Tesalonica si Pablo, sinabi niya na siya at ang mga kasamahan niya ay nagtatrabaho nang “gabi’t araw” para hindi nila “mapabigatan” ang mga kapatid doon. (1Te 2:5-9) Dahil marunong gumawa ng tolda si Pablo, posibleng ito ang ipinansuporta niya sa ministeryo niya. (Gaw 18:2, 3) Siguradong habang nagtatrabaho siya, nangangaral din siya sa lahat ng nakakasalamuha niya.
Kaugnay na (mga) Teksto: