“Siya ay Naging Tao”
Makikita rito ang isang pahina ng Codex Sinaiticus, isang pergaminong manuskrito na mula noong ikaapat na siglo C.E. Makikita sa nakapaloob na larawan ang bahagi ng 1Ti 3:16 na isinalin sa maraming Bibliya na “Siya ay naging tao.” Gumamit din ang ibang salin ng kahawig na mga ekspresyon. Pero gaya ng makikita sa larawan, may nagdagdag ng dalawang letra sa itaas ng orihinal na nakasulat, kaya ang “Siya” ay naging “Diyos.” (Idinagdag lang ito nang maglaon, posibleng noong ika-12 siglo C.E.) Ganito rin ang ginawa sa ilan pang sinaunang manuskrito. Kaya sa ilang salin ng Bibliya, ang mababasa dito ay “Ang Diyos ay naging tao” (King James Version; New King James Version), na para bang ang Diyos mismo ay naging tao na may laman at dugo. Pero gaya ng sinasabi ng ilang reperensiya, hindi ginamit ang salitang “Diyos” sa mga manuskritong Griego na ginawa bago pa ang ikawalo o ikasiyam na siglo C.E. (Para sa halimbawa, tingnan ang A Textual Guide to the Greek New Testament, ni Roger. L. Omanson.) Kaya dahil sa masusing pag-aaral ng sinaunang mga manuskrito, nakita ng mga iskolar ang ilang pagkakamali sa pagkopya na nakaabot sa mas bagong mga manuskrito.—Tingnan ang Ap. A3 at Glosari, “Codex Sinaiticus.”
Credit Line:
© The British Library Board
Kaugnay na (mga) Teksto: