Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 8/8 p. 13-15
  • “Mission England”—Isang Sumalang Pagkakataon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mission England”—Isang Sumalang Pagkakataon
  • Gumising!—1985
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Pagtataas sa Tungkulin at mga Personalidad
  • Pangako​—Para Kanino?
  • Balik sa Simbahan
  • Isang Sumalang Pagkakataon
  • Sino ang Kukumberti sa Britaniya?
    Gumising!—1995
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
  • Magkaisa Kaya ang mga Iglesya ng Britaniya?
    Gumising!—1985
Gumising!—1985
g85 8/8 p. 13-15

“Mission England”​—Isang Sumalang Pagkakataon

Ng kabalitaan ng “Gumising!” sa Britaniya

PARA sa mga pahayagang Britano na maglaan ng mahigit 50,000 pulgadang tudling sa pag-uulat tungkol sa relihiyon​—anumang relihiyon​—ay isang pambihirang rekord. Ang “Mission England,” ang kilusan o krusada na nagtataguyod kay Billy Graham at Luis Palau noong tag-init ng 1984 ay tiyak na paulong-balita. Ang malaking pamamahayag sa anim na pangunahing lunsod sa buong bansa ay pinagtugma-tugma ng kampanya sa London upang akitin ang sampu-sampung libo katao. Bakit ang kilusan ay ipinalagay na mahalaga? Papaano tumugon ang mga Britano sa istilong-Amerikano na ebanghelismo? Ano ang aktuwal na nagawa ng “Mission England”?

Sa loob ng sampung taon ang ideya ng pag-aanyaya kay Dr. Graham sa Inglatera ay isinaalang-alang, ngunit kahit na nitong 1980 hindi inilihim ng mga lider ng relihiyon ang kanilang pagsalansang. Walang alinlangan na natandaan nila ang huling malaking krusada ni Billy Graham noong 1967, na pagkatapos nito isiniwalat ng isang surbey na 5 porsiyento lamang niyaong gumawa ng pangmadlang deklarasyon at nagsimulang dumalo sa simbahan ang gumagawa pa rin ng gayon pagkalipas ng isang taon.

Gayumpaman, yamang ang Britaniya ay tila man din espirituwal na bagsak, ang iba ay nagbigay ng lubos na pagtangkilik sa mga plano. “Kinakailangan ng Britaniya ang espirituwal na pagbabago,” giit ng Methodistang tagapangulo ng “Mission England,” na si Lord Tonypandy. Si David Sheppard, Obispo ng Liverpool, ay nagsabi: “Napakaraming tao, kapuwa mga membro ng simbahan at doon sa halos humangga na sa simbahan . . . na nangangailangan ng hamon upang italaga ang kanilang sarili na maging mga tagasunod ni Jesu-Kristo.” Kaya’t ano ang maiwawala? Sa wakas, gaya ng sinabi ng The Times, ang “Mission England” ay naging “isang pangkat na nakaakit sa karamihan ng mga lider ng simbahan na makisama.”

Ngunit kahit na kasalukuyang isinasagawa ang misyon, walang tigil ang pagbatikos mula sa mga klerigo. Iniulat ng Sunday Telegraph na pinulaan ni Richard Jones, pangulo ng Iglesya Methodista sa Silangang Anglia, ang “magaspang na doktrina” at “magaspang na istilo” na inilahad kapuwa ni Graham at Palau. Sabi pa ng Methodistang lider na si Lord Soper: “Labis kong kinaiinisin ang kanilang mga pag-aanunsiyo.” Bakit? Ano ang mga problema?

Pagtataas sa Tungkulin at mga Personalidad

Ang relihiyon para sa karaniwang Ingles ay isang napakapersonal na bagay. Bihira itong ipakipag-usap kahit na sa pribado, at bihira ang mga debate sa publiko. Kaya, ang pag-oorganisa ng isang kilusang pampubliko upang itaguyod ang relihiyon ay hindi ayon sa kaugalian ng bansa. Gayon man ganito ang komento ng karaniwang sumasang-ayon na Liverpool Daily Post: “Ang pagtatanghal noong Sabado ng gabi​—palibhasa’y gayon nga ito​—ay istilong-Amerikano na ebanghelismo, mauunawaan saanman bilang purong palabas.”

Tinutulan naman ng iba ang matinding pagdiriin sa mga personalidad. “Si Dr. Graham ang itinatampok bilang pangunahing atraksiyon, at hindi ang sustansiya ng kaniyang mensahe,” reklamo ng klerigo ng Church of England na si Jack Burgoyne habang si Graham ay magsisimula na sa kaniyang mga miting sa Ipswich. “Siya ay ginawang isang personalidad ng kulto ng kaniyang organisasyon.” Ang mga panauhing tagapagsalita, mga manganganta ng ebanghelyo, at dumadalaw na mga opisyal ay malugod na tinanggap upang makaakit ng mga pulutong. Ngunit sa pangwakas na pagsusuri, sina Palau at Graham ang tudlaan ng pansin. Sa isang pagpuna, ganito ang hinuha ng Church Times: “Naroon ang masidhing pag-aatubili tungkol sa buong istilo ng mga miting ni Graham at Palau​—tungkol sa paggamit ng musika, sikolohiya sa madla at personal na kahusayang magsalita upang ‘palapitin’ sa isang partikular na gabi.” Tama ba ang pagkabahala ng Church Times?

Pangako​—Para Kanino?

Nang magtatapos na ang “Mission England,” ipinahihiwatig ng isang pagbilang na halos isang daang libo ang ‘lumapit’ upang gumawa ng ‘pangako kay Kristo’ sa pagsusulsol nina Graham at Palau. Nakapagtataka, gayunman, na ang karamihan ay nakikisama na sa ilang relihiyon. Sabi ng isang tantiya na 15 porsiyento ay bagong mga kaanib. “Si Dr. Graham kaya ay literal na nangangaral sa mga kumbertido?” tanong ng Church Times. “Masasabi na ang potensiyal na mga kumberte . . . ay isang minoridad. Kaya, higit sa ano pa man ito ay isang okasyon upang pasiglahin ang grupo.” Bakit kailangan ang gayong pagpapasigla?

“Ang mga nakatataas sa simbahan ay lubhang nababahala,” sabi ng Sunday Mercury ng Birmingham, sapagkat ang kabuuang bilang ng mga mananamba sa Church of England ay “lubhang bumababa.” Kinilala ni Bill Flagg, isang obispo at tagapangulo ng “Mission England” para sa Hilagang-Kanluran: “Ang mga simbahan ay halos sumuko na tungkol sa ebanghelismo noong 1970s.” Sa kanilang mga membro, ang panawagan ni Billy Graham ay basta: “Ikaw ay maaaring nabautismuhan na. Ikaw ay maaaring nakumpilan na, at maaaring ikaw ay nagsisimba. Ngunit sa kalooban mo ikaw ay walang kaugnayan sa Diyos.”

Balik sa Simbahan

“Ang lahat ng tumutugon ay binabanggit na magbalik sa simbahan,” paliwanag ng isa sa mga katulong ni Dr. Graham. “Kung ang isang tao ay lalapit na walang pinanggalingang simbahan sinisikap naming ihanap siya ng isang simbahan na magugustuhan niyang aniban.” Maliwanag hindi mahalaga ang doktrina ng simbahan. Ang Catholic Herald ay nagkomento: “Ang mga Katoliko ay sinanay na kasama ng mga Pentecostal, mga Baptist, mga Anglicano at mga Brethren at iba pa” upang maging mga tagapayo upang tulungan at payuhan yaong mga lumalapit. Ang bagay na ang mga Romano Katoliko ay kasangkot ay nakagulat at nakagalit sa The British Council of Protestant Christian Churches na ang gayong kaugnayan ay wala kundi isang pagtataksil sa pangunahing doktrinang Kristiyano.

Gayumpaman, kung gaano kataimtim ang mga pangako ay dapat manatiling isang di-tiyak na isyu. Ipinakikita ng isang report na 500 ang ‘lumapit’ lamang upang huwag “mabigo ang dumadalaw na kilalang tao.” Ngunit kumusta naman ang tungkol sa pagsubaybay doon sa mga gumawa ng gayong mga pangako? “Ang mga simbahan ay hindi kasuwato ng mga bagong mananampalataya . . . Ang ilang mga simbahan ay lubhang nakababagot anupa’t ayaw kong dumalo,” inamin ni Anthony Bush, patnugot ng Timog-Kanluran na rehiyon ng “Mission England,” gaya ng iniulat sa The Sunday Telegraph.

Ang pag-akay sa mga tao pabalik sa mga simbahan ay katulad nga ng pagsusugo sa isang nagugutom na tao na kumuha ng pagkain sa paminggalang walang laman. Gaya ng ipinahihiwatig ng isang Gallup surbey na isinagawa bago ang krusada sa Merseyside, dalawang sangkatlo niyaong mga tinanong ang nagnanais na ang simbahan ay hindi lamang “magbigay ng moral na patnubay” kundi gayundin “magturo ng Bibliya.” Sa katulad na surbey sa paligid ng Sunderland, ang mahalagang mga paksa na sinabi ng mga tao na kailangan nilang malaman ay ang tungkol sa: pandaigdig na kapayapaan, paglutas sa mga suliranin sa ngayon, sa Diyos, kay Jesus, at, muli, ang Bibliya. Ano ang ginawa ni Palau at Graham upang masapatan ang mga pangangailangang ito?

Isang Sumalang Pagkakataon

“Nais kong sabihin ninyo sa inyong sarili ‘Nais kong malaman na kung mamatay ako ngayong gabi, ako ay magtutungo sa langit.’ Maaaring ito na ang inyong huling pagkakataon, ang inyong pinakamalapit na pagkakataon sa Kaharian ng Diyos.” Ito ang pagsusumamong pangako ni Billy Graham. Subalit ang gayong pilosopya na nauugnay-kamatayan ay hindi sumasagot sa mga katanungan. “Ang mga kabataan ay naghahanap ng isang bagay na mapaniniwalaan,” pahayag ni Graham. Ngunit ang mga kabataan ay nangangailangan ng pag-asa at dahilan upang mabuhay, maging kumbinsido na ang buhay ay may layunin at na ang Diyos ay kikilos upang ingatan ang kanilang kinabukasan.

Sa katunayan, ang Kaharian ng Diyos ang kinakailangang marinig ng mga kabataan​—at ng kanilang mga matatanda. Ang Kahariang ito ang tanging pag-asa ng sangkatauhan, isang tunay na gobyerno na sa pamamagitan nito ang kapayapaan, pati na ang buhay na walang hanggan, ay isasauli sa sangkatauhan. (Isaias 9:6, 7; Mateo 6:9, 10) Inihula ni Jesus na ang mga Kristiyano sa ating kaarawan ay magiging abala sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos sa lahat ng mga bansa, isang gawain na abalang-abalang isinagawa ng mga Saksi ni Jehova sa loob ng maraming mga taon na. (Mateo 24:14) Ang kampanya nina Palau at Graham ay umakit ng libu-libo, gayunman sila kapuwa ay nabigo na ipaliwanag ang tunay na kahalagahan ng Kaharian ng Diyos sa maraming tao na nagkatipon. Anong sumalang pagkakataon!

Gayunman, totoong hindi natin maaasahan ang maraming mabuting mga resulta mula sa gayong mga krusada. Ang mga Kristiyano noong unang siglo ay hindi nagkampanya sa ganitong paraan, ni sila man ay nagsumamo sa mga tao sa gayong emosyonal na paraan. Ipinahayag ng editoryal ng Church Times na sa panahon ng gayong krusada, “imposibleng ipakipag-usap sa isang mahinahon at matalik na paraan ang maraming mga katanungan . . . na dapat ay nasa mga isipan ng mga tagapakinig kung ang tagapakinig man ay kinakatawan.”

Ganito ang sabi ng matalinong taong si Solomon: “Pinaniniwalaan ng walang karanasan ang bawat salita, ngunit ang matalino ay tumitinging mabuti sa kaniyang mga hakbang.” (Kawikaan 14:15) Sa pagsasaliksik sa katotohanan, kailangan nating maging maingat. Di palak na ang pinakaligtas na landasin ay ang sundin ang halimbawa ng sinaunang mga Kristiyano sa Berea na pinangaralan ni Pablo. Sila ay pinapurihan sa kanilang sigasig sa “maingat na pagsisiyasat sa mga Kasulatan” at sa paggamit nito bilang autoridad sa kanilang pananampalataya. (Gawa 17:11) Sa tuwina’y sinunod ng mga Saksi ni Jehova ang halimbawang ito. Makipagkita sa kanila upang “ipakipag-usap sa isang mahinahon at matalik na paraan” ang inyong mga katanungan sa Bibliya. Walang mawawala sa inyo​—kundi malaki ang inyong pakikinabangin.

[Larawan sa pahina 14, 15]

Yaong mga tumugon ay binanggit na magbalik sa mga simbahan na dati nilang nilisan palibhasa’y wala silang nasumpungang pag-asa

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share