Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 8/22 p. 11
  • Nagbabalik ang mga “Windmill”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nagbabalik ang mga “Windmill”
  • Gumising!—1985
  • Kaparehong Materyal
  • Paggamit sa Lakas ng Hangin
    Gumising!—1995
  • Ang Pagsisikap ng Tao na Gamitin ang Hangin
    Gumising!—2004
  • Pagmamasid sa Daigdig
    Gumising!—2010
  • Paggamit ng Hangin
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 8/22 p. 11

Nagbabalik ang mga “Windmill”

Ang mga turbina na pinatatakbo ng hangin ay naglitawan sa California, sa nakabukod na mga tigang na lupa ng Unyong Sobyet, at pati na sa ibaba sa Polo Sur. Gayon ang sabi ng Weerberichten (Mga Report Tungkol sa Lagay ng Panahon), isang buliting Olandes na lumalabas makalawa isang buwan. Ang dahilan? Ang hangin ay isang mahusay na pinagmumulan ng enerhiya, at napakarami nito.

Ang Tehachapi Valley Wind Park, 190 milya (300 km) hilaga ng Los Angeles, California, mayroon nang 50 mga turbina na umaandar ay maglalaan ng kabuuang 13.5 megawatts kapag nakompleto. Sa silangan ng San Francisco, isang “wind farm” na may 44 na mga turbina ay nagbibili ng sapat na koryente upang tustusan ang 400 mga pamilya. Ang mga plano ay paramihin pa ang bilang ng mga turbina ng mga ilang daan at gumawa ng 30 milyong kilowatt-hour sa bawat taon​—sapat para sa 4,800 mga pamilya.

Samantala, sa Cycloon, malapit sa Moscow, 12 na iba’t ibang uri ng mga turbinang pinaaandar ng hangin ang sinusubok upang gumawa ng elektrikal at mekanikal na enerhiya para sa nabubukod na mga tirahan at sa mga rehiyon na tigang ang lupa sa Unyong Sobyet. “Ang mga sistemang ito ay may potensiyal na gawing oasis ang tigang na lupa,” sabi ng isang komentarista sa Radio Moscow.

Apat na iba pang mga turbina ang malalagay sa totoong nabubukod na teritoryo​—sa Antarctica. Ngayon kapag umiihip ang malamig na hanging polo, ang mga siyentipikong nakaistasyon doon ay dapat na maging maligaya. Kakailanganin nila ang nilikhang elektrisidad upang patakbuhin ang istasyon at panatilihing komportable.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share