Mula sa Aming mga Mambabasa
Tungkol sa Pagde-“date”
Salamat sa inyong artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Ang Pakikipag-‘date’ ba ay Talagang para sa Akin?” (Nobyembre 22, 1982 sa Tagalog) Sa tulong ng artikulong iyon at mga panalangin kay Jehova, naituwid ko ang isang kalagayan sa paaralan.
S. H., Illinois
Paggamot sa Ulser
Sa inyong artikulong “Inaakala Mo bang May Ulser Ka?” (Pebrero 8, 1983 sa Tagalog) malimit ninyong banggitin ang tatak na Tagamet, at maaaring magdulot ito ng pagtatangi sa isipan ng mga mambabasa sa ibang makukuhang katulad na gamot na iba ang pangalan at gayundin kabisa. Ang Tagamet ay napakamahal at mayroon ding mga masamang epekto. Inaakala ko na ang rekomendasyong ito ay isang maselang na pagkakamali.
J. M., M.D., Portugal
Ang Tagamet ay hindi pantanging inirekomenda kundi binanggit lamang bilang isa sa pinakabagong anyo ng paggamot na higit na matagumpay sa ilang mga kaso kaysa sa mga antacid. Sa anumang artikulo na aming inilalathala tungkol sa mga bagay may kaugnayan sa kalusugan o medisina, sinisikap naming maging maingat na huwag magrekomenda ng anumang partikular na paggamot kundi sa halip ay ipaalam sa aming mga mambabasa kung ano ang maaaring makuhang paraan o gamot at kung paano ang paggamot o medisina ay gumagana. Ang higit pang impormasyon tungkol sa paggamit ng cimetidine na mga produkto ay inilathala sa aming labas noong Nobyembre 22, 1983, pahina 28.—ED.
Mga Marmot
Naibigan ko ang inyong artikulo tungkol sa mga marmot (Setyembre 8, 1984 sa Ingles), ngunit sinasabi ninyo na ang beaver ang pinakamalaking rodent (hayop na nagngangatngat), at kasunod ang marmot. Ayon sa aking pagkaunawa ang capybara, ng Sentral at Timog Amerika, ang pinakamalaking nabubuhay na rodent.
E. G., Timog Aprika
Ang “Awake!” ay nagkamali. Ang beaver ay maaaring 2.5 piye (76 cm) mula sa dulo ng buntot hanggang sa nguso nito at tumitimbang ng mga 60 libra (27 kg). Ang capybara ay maaaring umabot sa haba na apat na piye (1.2 m) at tumimbang ng 110 libra (50 kg).—ED.
Pang-aabuso sa Bata
Nabasa ko ang inyong labas tungkol sa pang-aabuso sa bata. (Hunyo 22, 1985 sa Tagalog) Wala akong kamalay-malay tungkol sa mga panganib na ito. Ako’y isang may kabataang ina, at ang banta tungkol sa pang-aabuso sa bata ay hindi kailanman sumagi sa aking isipan. Ngayon ay batid ko na ang lahat ng mga panganib at ang ilang mga bagay na maaari kong gawin upang huwag mangyari ito. Nais ko kayong pasalamatan mula sa kaibuturan ng aking puso.
J. M., New York
Meal-in-One Pancake
Talagang naibigan namin ang inyong artikulong “cabbage pancake.” (Nobyembre 8, 1984 sa Ingles) Ang isinahog namin ay bacon, sibuyas na mura, at mga kabuti, at ito ay isang masarap na hapunan. Nagdala rin kami nang ganito sa isang potluck na salu-salo, at nagustuhan rin ito roon. Pagkatapos ay sinubok namin ang masarap na pancake sa almusal, na sinamahan namin ng hiniwang mansanas at longanisa, masarap na ito sa ganang sarili o kung lalagyan pa ng maple syrup. Isang bagay lamang—para sa amin na “mga dayuhan.” Ano ba ang puting repolyo? Ang pinakamalapit na nakuha ko, pagkatapos isangguni sa isang magsasaka ay ang napa, o repolyong Intsik. Gayunman, maraming salamat sa napakasarap na resipe!
J. W., Colorado
Ang repolyong Intsik ay tama.—ED.