Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g85 11/8 p. 20
  • Sino ang May Sabing Ito’y Isang Mansanas?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sino ang May Sabing Ito’y Isang Mansanas?
  • Gumising!—1985
  • Kaparehong Materyal
  • “Isang Mansanas Araw-Araw Walang Doktor na Dadalaw”
    Gumising!—1996
  • Mansanas
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ano ang Buhay Noon sa Paraiso?
    Makinig sa Diyos at Mabuhay Magpakailanman
  • Ano ang Orihinal na Kasalanan?
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—1985
g85 11/8 p. 20

Sino ang May Sabing Ito’y Isang Mansanas?

Ang salitang Hebreo na tap·puʹach, karaniwang isinasaling “mansanas,” ay lumilitaw ng maraming beses sa Bibliya. Subalit hindi ito ginamit sa paglalarawan sa “punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.” (Genesis 2:9, 17; 3:6) Saan, kung gayon, nagmula ang tradisyon na umano ang mansanas ang ipinagbawal na prutas?

Sang-ayon sa Plants of the Bible, ni H. N. Moldenke, ang ideyang ito ay “walang alinlangan, dahilan sa impluwensiya ng iginuhit ng mga pintor noong Edad Medya at Panahon ng Renaissance.” Halimbawa, tungkol sa bantog na iginuhit na larawan o painting na The Garden of Paradise ni Peter Paul Rubens (1577-1640), ngayo’y nasa Hague Gallery, ganito ang sabi ni Moldenke: “Ang prutas sa Punungkahoy ng Pagkakilala ng Mabuti at Masama, na may nakapulupot na ahas sa mga sanga nito ay tila nga mga mansanas. Marahil ang ipinintang larawan na ito ang isa sa mga dahilan ng kasalukuyang malaganap na pinaniniwalaang maling ideya na ang mansanas ang halaman na tinutukoy ng Bibliya.”

Tungkol sa iginuhit na larawan na Adam and Eve (tingnan ang itaas) ng Alemang pintor na si Lucas Cranach the Elder (1472-1553), kung saan ang mansanas ay inilarawan, si Moldenke ay nagkomento na ang mga pintor noong Panahon ng Renaissance ay “nais panatilihin ang kanilang karapatan na umasa sa kanilang imahinasyon kung nais nila.” Ang iba pang mga pintor ng panahong iyon, gaya nina Tintoretto at Titian, ay gayundin ang ginawa sa kanilang mga iginuhit na larawan tungkol sa paksang iyon.

Gayunman, marahil ang unang naglagay ng ideyang ito sa panulat ay ang bantog na makatang Ingles na si John Milton. Sa kaniyang Paradise Lost (1667), isinulat ni Milton ang tungkol sa pagtukso ng ahas kay Eva:

“Gumagala sa parang, isang araw, aking inakyat

Magandang punungkahoy kay layo sa paningin,

Hitik sa bunga ng sarisaring kulay,

Mapula at ginintuan. . . .

Upang sapatan yaring matinding nasang

Tikman yaong kay gandang mga mansanas, aking naipasiyang

Huwag umayon; gutom at uhaw dagli’y​—

Makapangyarihang mga humimok​—pinabilis ng amoy

Ng kaakit-akit na bungang iyon, ang sa aki’y labis na nag-udyok.”

Sa gayon, hindi mula sa Salita ng Diyos, ang Bibliya, kundi mula sa kaakit-akit, gayunma’y mali, na guniguni ng mga pintor at mga makata nagmula ang isa sa pinakapopular na alamat ng Sangkakristiyanuhan. Ano ba ang bungang-kahoy? Hindi ito binabanggit ng Bibliya, sapagkat ang mahalagang punto ay hindi ang bungang-kahoy kundi ang pagsuway ng tao.​—Roma 5:12.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share