Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 2/8 p. 3
  • Ang Lumalagong Suliranin sa Pagbabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Lumalagong Suliranin sa Pagbabasa
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Magsikap Ka sa Pagbabasa
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Turuan ang mga Di-masyadong Marunong Bumasa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Bakit Mahalagang Magbasa ang mga Bata?—Bahagi 1: Magbabasa o Manonood?
    Tulong Para sa Pamilya
  • Pasulungin ang Iyong Pagbabasa—Magagawa Mo Ito!
    Gumising!—1986
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 2/8 p. 3

Ang Lumalagong Suliranin sa Pagbabasa

ISIP-ISIPIN ang problema ng paghahanap ng iyong pupuntahan kung hindi mo mabasa ang pangalan ng kalye. Paano mo wastong maiinom ang gamot kung hindi mo mabasa ang mga tagubilin na nasa sisidlan? At paano ka makapag-aaplay sa isang trabaho kung hindi mo mabasa ang kahilingan o aplikasyon?

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga problemang nakakaharap niyaong mga hindi marunong bumasa. Gayunman tinatayang isa sa limang adultong Amerikano, halos 27,000,000, ang masasabing hindi gaanong makabasa at makasulat bagama’t nag-aral (functionally illiterate).a Noong 1980 may kabuuang 824 na milyong mga hindi marunong bumasa’t sumulat sa buong daigdig, na ang edad ay 15 at pataas, at ang bilang ay mabilis na dumarami. Malungkot ang mga resulta. Halimbawa, sa Estados Unidos iniulat ng Kagawaran ng Paggawa na hanggang 75 porsiyento ng mga walang trabaho ang kulang ng kinakailangang kasanayan sa pagbabasa at komunikasyon.

Gayunman hindi lamang nakakaharap niyaong mga hindi marunong bumasa ang mga suliranin sa trabaho. Sila ay napagkakaitan ng napakaraming bagay na nagdudulot ng kasiyahan at kaligayahan. Isip-isipin ang mas mabuting uri ng buhay na maaaring magmula sa mas maraming kaalaman tungkol sa daigdig sa palibot natin. Tayo nga ay lubhang natatakdaan kung tayo ay matututo lamang mula sa ating namamasdan o nararanasan mismo! Ang pagbabasa ay nagbubukas ng daan sa natipong kaalaman sa mga dantaon.

Ang pagbabasa ay isang pambihirang kakayahan ng tao. Gaya ng pagkakasabi rito ng Science Digest: “Sa isang saglit ang iyong mga mata at isipan ay naghuhulaan, gumagawa ng mga shortcut, pinupunan ang mga puwang at pinakikitunguhan ang atas na paggawa ng impormasyon na humahamon sa pinakamahusay na computer.”

Nais mo bang pasulungin ang iyong kasanayan sa pagbabasa? O nais mo bang tulungan ang iba na gawin ang gayon? Susuriin ng kasunod na dalawang artikulo ang ilan sa mga salik na pinagmumulan ng mga suliranin sa pagbabasa, at mga mungkahi ay ibibigay upang tumulong na mapasulong ang pagbabasa ng isa.

[Talababa]

a Ang isang tao na masasabing hindi gaanong makabasa o makasulat bagama’t nag-aral ay hindi magamit ang karaniwang mga kasanayan sa pagbabasa at pagsulat, gaya ng kinakailangan sa pagbabasa ng mga kahilingan o aplikasyon, pagkuha ng mga pagsusulit, atb.

[Larawan sa pahina 3]

Paano ka makapag-aaplay sa isang trabaho kung hindi mo mabasa ang kahilingan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share