Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 4/09 p. 2
  • Turuan ang mga Di-masyadong Marunong Bumasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Turuan ang mga Di-masyadong Marunong Bumasa
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
  • Kaparehong Materyal
  • Magsikap Ka sa Pagbabasa
    Makinabang sa Edukasyon Mula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
  • Kung Paano Tutulungan ang mga Di-gaanong Marunong Magbasa
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Pasulungin ang Iyong Pagbabasa—Magagawa Mo Ito!
    Gumising!—1986
  • Bakit Mahalagang Magbasa ang mga Bata?—Bahagi 1: Magbabasa o Manonood?
    Tulong Para sa Pamilya
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2009
km 4/09 p. 2

Turuan ang mga Di-masyadong Marunong Bumasa

1. Anong hamon ang maaaring makaharap natin sa ministeryo?

1 Sa ating ministeryo, isang hamon kung minsan ang magturo ng katotohanan sa mga di-masyadong marunong bumasa. Ano ang maaari nating gawin?

2. Bakit natin dapat igalang ang mga di-masyadong marunong bumasa? Paano natin ito magagawa?

2 Igalang Sila: Mahalaga kay Jehova ang kalagayan ng puso ng isa, hindi ang kaniyang sekular na edukasyon. (1 Sam. 16:7; Kaw. 21:2) Kaya hindi natin hinahamak ang mga di-masyadong marunong bumasa. Malamang na tatanggapin nila ang ating tulong kung magpapakita tayo ng paggalang at pagtitiyaga. (1 Ped. 3:15) Maaaring mangahulugan iyan na hindi natin sila pipiliting magbasa ng isang teksto o parapo. Habang lumalago ang kaalaman ng isa sa mahahalagang katotohanan mula sa Bibliya, baka lalo siyang magsikap na mapasulong ang kakayahan niyang bumasa upang masiyahan sa pagbabasa ng Salita ng Diyos “nang pabulong araw at gabi.”—Awit 1:2, 3.

3. Ano ang mga paraan na maaari mong gamitin sa pagtuturo sa mga di-masyadong marunong bumasa?

3 Mga Paraan ng Pagtuturo sa Bibliya: Ang mga larawan ay mahusay na pantulong sa pagtuturo. Tumutulong din ito para matandaan ng isa ang kaniyang natutuhan. Maaari mong tanungin ang estudyante kung ano ang masasabi niya sa larawan na nasa publikasyong pinag-aaralan ninyo. Pagkatapos, gumamit ng espesipikong mga tanong upang maunawaan niya kung ano ang itinuturo ng larawan. Gumamit ng mga teksto na nauugnay sa punto na gusto mong idiin mula sa larawan. Maaari ding gamitin ang mga larawan upang repasuhin ang napag-aralan. Huwag talakayin ang napakaraming materyal sa bawat pag-aaral. Idiin ang tema at mga pangunahing punto ng aralin, at iwasang magdagdag ng ibang punto. Basahin mismo sa Bibliya ang mga teksto, at gumamit ng mga tanong upang matiyak na nauunawaan ng estudyante ang binasa. Tutulong ito para lalo niyang pasulungin ang kakayahan niyang bumasa, at magsaliksik siya ng iba pang mga katotohanan mula sa Bibliya.

4. Paano natin matutulungan ang ating estudyante na mapasulong ang kaniyang kakayahang bumasa?

4 Mga Pantulong Para Sumulong sa Pagbabasa: May mga tao na di-masyadong marunong bumasa o di-gaanong nabigyan ng pagkakataon na matutong bumasa nang matatas ang madali namang makaunawa at makatanda ng kanilang natututuhan. Maaari mo silang pasiglahin na matamang makinig sa mahuhusay bumasa. Ang pakikinig sa isang tagabasa habang sumusubaybay sa sariling kopya ng publikasyon, anupat inuulit pa nga ang mga salita nang pabulong, ay tutulong sa isa na mapasulong ang kaniyang kakayahang bumasa. Maaari ding makatulong ang brosyur na Apply Yourself to Reading and Writing. Sa ilang lugar, maaari ding isaayos ng mga elder na magkaroon sa kongregasyon ng mga klase sa pagbasa. Magagamit natin ang praktikal na mga mungkahing ito para tulungan ang mga di-masyadong marunong bumasa na maunawaan “ang banal na mga kasulatan,” na magpaparunong sa kanila ukol sa kaligtasan.—2 Tim. 3:15.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share