Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 2/22 p. 26-27
  • Sapat Na Ba ang “Pagiging Mabuti”?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sapat Na Ba ang “Pagiging Mabuti”?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ano ang Kahulugan ng “Pagiging Mabuti”?
  • Kung Paano Magiging Mas Mabuti Kaysa Basta Mabuti
  • Maglingkod kay Jehova Nang Hindi Nagagambala
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2015
  • Pinili ni Maria “ang Mabuting Bahagi”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
  • “Naniniwala Ako”
    Tularan ang Kanilang Pananampalataya
  • Marta
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 2/22 p. 26-27

Sapat Na Ba ang “Pagiging Mabuti”?

ANONG pagkabuting daigdig kung ang lahat ng nabubuhay ay talagang mabuti! Walang sinuman, anumang sekso o edad, ang nangangailangang matakot na bugbugin, gahasain, o abusuhin. Hindi na iiral ang mga bilangguan, at wala nang mga pulis, mga militar na tao. Oo, anong pagkagandang daigdig nito!

Gayunman, sa ilalim ng kasalukuyang mga kalagayan, ang umasa ng gayong daigdig ay tila hindi makatotohanan. Subalit, ang mga taong nagsisikap mamuhay nang mabuting buhay ay kapuri-puri. Ang kanilang mga pagsisikap ay maaaring magkaroon ng kaunting bunga sa paglikha ng isang mas mabuting daigdig, subalit sa paano man sila ay hindi nakadaragdag sa paglala nito.

Sapat na ba ang “pagiging mabuti”? Marahil iyan ay makakalugod sa ating mga kaibigan at mga kapuwa, subalit sapat na ba ito upang makalugod sa ating Maylikha? Ang mga taong nagnanais magkamit ng pagsang-ayon ng Diyos ay nagnanais na makaalam.

Ano ang Kahulugan ng “Pagiging Mabuti”?

“Siya’y mabuting bata” ay kadalasang nangangahulugan na siya ay hindi masama, yaon ay, hindi siya kilala sa paggawa ng masamang bagay. Subalit kapag ginamit sa isang relihiyosong diwa, higit pa ang nasasangkot sa pagiging mabuti. Bakit?

Hindi maikakaila, maraming ateista, agnostiko, at hindi relihiyosong mga tao ang mabuti sa moral na paraan. Hindi sila kilala sa paggawa ng masamang mga bagay. Subalit ang kanila bang pagiging mabuti sa diwang ito ay sapat upang makalugod sa Maylikha, na ang pag-iral mismo ay kanilang tinatanggihan, pinag-aalinlanganan, o binabale-wala? Maliwanag na hindi.

Kaya, ang tumpak na kaalaman sa kung ano ang ipinalalagay ng Diyos na mabuti ay mahalaga, baka tayo, “dahilan sa di pagkaalam ng katuwiran ng Diyos” ay maghangad “na maitayo [ang ating] sarili.” (Roma 10:1-3) Ito ay magiging mali, sapagkat ang mga pamantayan ng tao sa katuwiran​—kung ano ang itinuturing natin na mabuti​—ay hindi nakakaabot sa pamantayan ng Diyos.

Sa panahon ng kaniyang makalupang ministeryo, ipinakita ng Anak ng Diyos na si Jesu-Kristo kung ano itong pamantayan ng Diyos sa mabuti. Isang mayamang binata ang nagtanong sa kaniya: “Anong mabuting bagay ang gagawin ko upang ako’y magkaroon ng buhay na walang hanggan?” Ang ulat tungkol sa kanilang pag-uusap ay totoong nagsisiwalat. Ating mababasa: “‘Patuloy na sundin mo ang mga utos.’ Sinabi niya sa kaniya: ‘Alin-alin?’ Sinabi ni Jesus: ‘Huwag kang papatay, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang sasaksi sa di katotohanan, Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina, at, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.’ Sinabi sa kaniya ng binata: ‘Ang lahat ng mga bagay na ito ay ginanap ko; ano pa ang kulang sa akin?’ Sinabi sa kaniya ni Jesus: ‘Kung ibig mong maging sakdal, humayo ka at ipagbili mo ang tinatangkilik mo at ibigay mo sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit, at pumarito ka at maging tagasunod ko.’ Datapuwat nang marinig ng binata ang ganitong pananalita, ay yumaon siyang namamanglaw, sapagkat siya’y nagtataglay ng maraming pag-aari.”​—Mateo 19:16-22.

Lalo na sa kaluwagan ngayon sa moral at sosyal na paggawi, hindi ba maituturing mo ang taong ito na mabuti? Hindi siya pumatay, hindi siya nangalunya, hindi nagnakaw, hindi sumaksi sa di katotohanan, hindi nakaligtaang igalang ang kaniyang mga magulang o ibigin ang kaniyang kapuwa na gaya ng kaniyang sarili.

Subalit ipinakita ni Jesus na ang pagiging mabuti ng taong ito ay hindi sapat. Mayroon pang kulang, isang bagay na humadlang sa kaniyang pagiging mabuti na maging sakdal o ganap. Ano? Ang mapagsakripisyo-sa-sariling pag-ibig sa Diyos na gaganyak sa kaniya na maging tagasunod ni Jesus. Ang mapagsakripisyo-sa-sariling pag-ibig ay magpapangyari rin sa kaniya na aktibong makibahagi sa pangangaral ng Kaharian ng Diyos, ang gawain na sinasanay ni Jesus na gawin ng kaniyang mga tagasunod. Yamang sinasabi ng kasulatan na ang taong ito “ay nagtataglay ng maraming pag-aari,” malamang na okupado nito ang kaniyang panahon. Sa pagsunod sa praktikal na payo ni Jesus na alisin ang materyal na mga pag-aaring ito, ibigay ang mga ito sa mga mahihirap, nilalagay niya ang materyal na mga kapakanan sa isang mas mababang kalagayan kaysa espirituwal na mga bagay. Ito ay magpapahintulot sa kaniya na patuloy na “hanapin muna ang kaharian” na may kaunting mga sagabal.​—Mateo 6:33.

Kaya ang pagiging mabuti sa paningin ng Diyos ay nangangahulugan ng higit pa kaysa hindi paggawa ng masama. Ito’y nangangahulugan ng aktibong paggawa ng mabuti sa pagiging tagasunod ni Kristo. Kalakip dito ang “pagpapatotoo sa katotohanan” tungkol sa Diyos at sa kaniyang mga layunin, ‘ipinahahayag ang kaniyang pangalan’ sa iba, gayundin ang masigasig na pagtatanggol sa kaniya sa harap ng mga maling paratang at mga kasinungalingan, gaya ng ginawa ni Jesus. (Juan 17:4, 6; 18:37) Nangangahulugan din ito ng “pagbahagi ng mga bagay sa iba.”​—Hebreo 13:15, 16.

Kung Paano Magiging Mas Mabuti Kaysa Basta Mabuti

Yamang ang pagiging mabuti ay hindi sapat, ano ang dapat nating gawin upang maging higit na mabuti? Ang Lucas 10:38-42 ay nagbibigay sa atin ng isang himaton. Mababasa natin doon: “Isang babaing nagngangalang Marta ay tinanggap siya [si Jesus] bilang panauhin sa kaniyang bahay. At ang babaing ito ay may isang kapatid na tinatawag na Maria, na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon at pinakikinggan ang kaniyang salita. Si Marta, sa kabilang dako, ay naliligalig sa pag-iintindi ng maraming mga tungkulin. Kaya, siya’y lumapit at sinabi: ‘Panginoon, wala bagang anuman sa iyo na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na asikasuhin ang mga bagay na ito na mag-isa? Sabihin mo nga sa kaniya na tulungan ako.’ Bilang tugon sinabi sa kaniya ng Panginoon: ‘Marta, Marta, naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay. Datapuwat ilang bagay lamang ang kinakailangan, o isang bagay lamang. Sa kaniyang bahagi, pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.’”

Ano ang isinisiwalat ng pag-uusap na ito? Bagaman ang paglilingkod kay Jesus sa pisikal na paraan ay kapuri-puri, ang pakikinig sa kaniyang mga turo, sa gayon ay pagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay, ang higit na kapuri-puri. Ang ginawa ni Marta ay mabuti. Subalit sa partikular na pagkakataong iyon ito ay hindi sapat. Kaya, ang ginawa ni Maria ay mas mabuti.

Ang paglalagay na ito ng pagdiriin sa espirituwal na mga kahalagahan, sa halip na sa pisikal o materyal na mga bagay, ay idiniin din ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok. Sabi niya: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, sapagkat ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.”​—Mateo 5:3.

May nakikilala ka bang mabuting tao na, sa kabila ng pagiging gayon, ay hindi partikular na “palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan”? Maaaring may nakikilala ka. Sa katunayan, maaari pa ngang mabatid mo na ikaw mismo ay isa sa kanila. Kung gayon, makabubuting magsikap na alamin ang mga pamantayan ng Diyos sa mabuti sa pamamagitan ng pagbaling ng iyong atensiyon sa espirituwal na mga bagay.

Sa paggawa ng gayon magkakaroon ka ng pag-asa na mabuhay at makita ang bagong sistema ng mga bagay ng Diyos na malapit nang itatag sa buong lupa. Doon, walang sinuman ang manganganib na bugbugin, o matatakot na gahasain o abusuhin. Wala nang mga bilangguan doon. Wala nang mga pulis o mga militar na tao​—sapagkat ang lahat ng ito ay makasusumpong ng higit na kapaki-pakinabang na trabaho.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share