Paaralang Bayan Para sa mga Homoseksuwal sa Lunsod ng New York
‘Ang unang paaralang bayan sa Estados Unidos para sa mga homoseksuwal,’ ulat ng The New York Times noong Hunyo 6. Ang mga klase ay nagsimula noong nakaraang Abril sa isang simbahan sa Greenwich Village, na may nagpatalang 20 mga estudyante—14 na mga lalaki at 6 na mga babae—lahat ay mga homoseksuwal. Kasama sa kurikulum ang materyal na totoong interesante sa mga homoseksuwal at naglalayon na ituro sa mga estudyante “na huwag maging asiwa sa kanilang homoseksuwalidad.” Si Fred Goldhaber, isang guro sa paaralan at isang homoseksuwal mismo, ay nagsabi: “Nais namin ang isang kapaligiran kung saan ang mga bakla at mga tomboy ay hindi mapapasailalim sa hindi maygulang na mga tin-edyer.”
Maaari silang gawin ng paaralang ito na “hindi asiwa sa kanilang homoseksuwalidad,” subalit sinasabi ng Salita ng Diyos na “ang mga homosekso—ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaniyang kaharian.” Ang paaralang ito ay isa lamang katibayan ng moral na pagguho na inihula sa mga huling araw.—1 Corinto 6:9, 10, The Living Bible; 2 Timoteo 3:1-5.