Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 3/8 p. 26-27
  • Nang Yumanig ang Lupa, Sila’y Tumugon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Nang Yumanig ang Lupa, Sila’y Tumugon
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mabilis na Dumating ang Kinakailangang Tulong!
  • Isang Panahon ng Pagsusuri-sa-Sarili
  • Pagharap sa Naging Resulta ng Lindol
    Gumising!—2002
  • Mas Marami Pang Malalakas na Lindol ang Inaasahan
    Gumising!—2010
  • Mga Lindol—Kung Paano Ka Makapaghahanda Para sa Kaligtasan!
    Gumising!—1987
  • Lindol
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 3/8 p. 26-27

Nang Yumanig ang Lupa, Sila’y Tumugon

Ng kabalitaan ng “Gumising!” sa Chile

PALAKAS nang palakas ang pagyanig ng lupa. Kami ay lumipat sa may pintuan ng aming silid. Yaong mga nasa kusina ay sinisikap na isara ang mga paminggalan, samantalang ang mga aklat, mga bote, mga halaman, mga baso, at mga bote ng halaya ay nagbagsakan sa sahig sa itaas. Gaano kaya ito katagal?

Di na kailangang sabihin pa, hindi namin ito inorasan, subalit ang mga pahayagan kinabukasan ay nagsabi na ito’y tumagal ng dalawang minuto. Ngayon, maaaring isipin mo na ang dalawang minuto ay hindi napakatagal, subalit maniwala ka, ikaw ay magtataka kung gaano kaya katagal kapag ang lupa na kinatatayuan ng iyong mga paa ay yumayanig!

Ika-7:47 n.g. noong Linggo, Marso 3, 1985, nang lumindol dito sa Santiago, Chile. Kami ay nagpapahinga sa aming silid sa tanggapang sangay ng Watch Tower Society nang mangyari ito. Ang ibang membro ng aming mga kawani ay umiinom ng tsa sa kusina.

Nawalan kami ng koryente ng mga ilang oras dahilan sa lindol. Kaya naglabasan ang mga plaslait, mga kandila, at transistor na mga radyo. Sang-ayon sa balita sa radyo, ang baybaying dako at mas matandang bahagi ng Santiago ay lubhang napinsala. ‘Kumusta na kaya ang aming mga kapatid na Kristiyano roon?’ naitanong namin. Hindi namin sila matawagan​—ang mga linya ng telepono ay abala sa mga tawag, at bukod pa riyan, ang mga linya ng telepono sa mga dakong iyon ay naputol. Ang unang tawag na tinanggap namin ay mula sa dako ng konstruksiyon ng aming bagong mga pasilidad ng sangay. Kami ay nakahinga nang maluwag nang mabalitaan namin na ayos naman ang lahat doon at na ang bagong gusali ng pagawaan ay matatag! Sa katunayan, isang ladrilyo lamang sa dingding sa dako ng tanggapan nang umagang iyon ang bumagsak!

Nang gabing iyon iilan lamang sa amin ang nakatulog na mabuti. Hindi pa kami nakakatulog nang yumanig ang aming kama, ginigising kami. Kinabukasan, iniulat ng mga pahayagan ang pinsala, ipinakikita ng mga larawan ang kawasakan na likha ng lindol, na umabot ng 7.7 sa Richter scale. Ang mga lunsod ay nawalan ng tubig at koryente. Ang mga tulay ay nasira. Mahigit na 140 katao ang namatay at tinatayang 150,000 ang nawalan ng tahanan. Marahil $1,800 milyon (U.S.) sa pinsala! Aba, ang lindol ay nadama sa Buenos Aires, Argentina, mga 1,350 kilometro (840 mi) ang layo sa baybaying Atlantiko! Ang Marso 3, 1985, ay matagal malilimutan.

Mabilis na Dumating ang Kinakailangang Tulong!

Karakaraka kaming gumawa ng mga kaayusan para ang iba’t ibang membro ng aming kawani sa tanggapang sangay ay makadalaw sa mga lugar na gaya ng Machalí, Melipilla, Rengo, San Antonio, Valparaíso, at Viña del Mar. Ang dahilan? Upang alamin kung ano ang kalagayan ng ating mga kapatid na Kristiyano roon at kung ano ang kanilang kailangang-kailangan.

Ang mga tanawin ng kagibaan ay nasa lahat ng dako. Bagaman ang karamihan ng mga napinsala ay mga gusaling yari sa mas matandang mga adobe, apektado rin ang ilang makabagong mga gusali​—gaya ng isang walong-palapag na gusaling apartment sa Reñaca na lubhang nayanig anupa’t pagkaraan ito ay humilig na gaya ng Tore ng Pisa. Ito ay kinakailangang gibain.

At kumusta ang ating mga kapatid na Kristiyano? Bagaman ang daan-daan sa kanila ay nawalan ng tahanan at mga pag-aari, kami ay lubhang naliligayahan na malaman na wala isa man sa 16,000 mga Saksi na naninirahan sa apektadong lugar ang namatay o nasaktan! Ang mga kongregasyon ng mga Saksi ni Jehova sa Santiago at hanggang sa malayong Punta Arenas at Iquique ay nagsitawag, tinatanong kung paano sila makatutulong. Ang balita ay mabilis na kumalat, at sa loob lamang ng ilang mga oras nagdatingan ang mga pagkain, pananamit, mga kumot, at iba pang mapakikinabangang mga bagay. Hindi nagtagal ang aming dalawang trak na may kabuuang kapasidad na 5.5 tonelada ay napunô at umalis na. Pagbalik ng mga ito kinagabihan, sapat na mga donasyon ang tinanggap upang magplano ng isa pang biyahe. At ito ay nagpatuloy sa loob halos ng dalawang linggo.

Noong ikalawang dulo ng sanlinggo kasunod ng lindol, 110 mga boluntaryo mula sa kalapit na mga kongregasyon at sa dako ng konstruksiyon ng bagong sangay ang nagtungo sa ilang mga lunsod na lubhang napinsala at nagtayo ng 24 prepabrikadang mga tirahang kahoy. Hanggang sa panahon ng pagsulat na ito, kami ay nakapagtayo ng 69 gayong mga tirahan, at umaasa kami na higit pa ang maitatayo bago magsimula ang malakas na mga pag-ulan.

Isang kongregasyon ang sumulat sa amin upang magsabi na ang praktikal na tulong at mga tirahan ay literal na nagpapakita ng aming pagkakapatiran. “¡Los hermanos se pasaron!” (“Hinigitan pa ng mga kapatid ang kanilang ginawa!”) Sa makabagbag-damdaming paraan, naipaalaala sa amin na ito ay isang internasyonal na kapatiran, sapagkat sa loob ng ilang araw at mga linggo pagkatapos ng lindol, ang mga Saksi mula sa Argentina, Alemanya, Italya, at Estados Unidos ay tumawag upang alamin ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na Kristiyano dito sa Chile. Ang mga tawag sa telepono ay sinundan ng saganang mga kontribusyon upang tumulong sa pagtustos sa mga pangangailangan ng aming “pamilya.”

Isang Panahon ng Pagsusuri-sa-Sarili

Ang sigaw na “Lindol!” at ang mapangwasak na lakas ay kadalasang nag-uudyok sa mga tao na mag-isip tungkol sa kanilang kaugnayan sa Diyos. Sa katunayan, mga ilang minuto pagkaraan ng lindol dito sa Chile, marami sa aming mga Kingdom Hall ang dinalaw ng mga kapitbahay na humahanap ng kanlungan. Isang Saksi sa Melipilla, na kilalang-kilala sa kaniyang purok, ay nagkaroon ng maraming panauhin nang gabing iyon. Sa bawat pagyanig, higit pang mga kapitbahay ang nagtutungo sa kaniyang tahanan na naghahanap ng proteksiyon. Isang tolda ang itinayo sa kaniyang bakuran, kung saan ginugol niya ang maraming oras hanggang sa kalaliman ng gabi na ipinakikipag-usap ang mga salita ni Jesus tungkol sa mga huling araw na magkakaroon ng “mga lindol sa iba’t ibang dako.”​—Marcos 13:3-8.

Sa Viña del Mar isang lalaki ang inihinto ang kaniyang pag-aaral sa Bibliya at nagsabi na hindi na siya babalik sa Kingdom Hall. Subalit saan niya nasumpungan ang kaniyang sarili nang gabing iyon pagkatapos ng lindol? Aba, sa Kingdom Hall! Siya at ang kaniyang pamilya ay tinanggap at binigyan ng pansamantalang tuluyan. Siya’y lubhang naantig ng mainit na pagtanggap at pakikitungo na ipinakita sa kaniya at sa kaniyang pamilya anupa’t siya ay disidido na kaniya muling ipagpapatuloy ang kaniyang pag-aaral ng Bibliya.

Ang ilan sa ating mga kapatid ay muntik-muntikan nang mawalan ng buhay. Halimbawa, sa Kongregasyon ng Vicuña Rozas, isang kapatid na lalaki ang kalalabas lamang mula sa ospital at nakaratay sa kaniyang higaan. Nang gabing iyon ang kaniyang asawa at anak na babae ay nagtungo sa pulong, kaya’t siya’y naiwang mag-isa sa bahay. Mga ilang minuto lamang bago lumindol, ipinasiya niyang magsikap na bumangon at sopresahin ang kaniyang asawa at anak na babae sa paghahanda ng mainit na tubig para sa tsa pagdating nila ng bahay. Nakarating siya sa kusina, at nang iinitin na lamang niya ang tubig, ay lumindol. Pagbalik niya sa kaniyang silid, nasumpungan niya ang kaniyang higaan na nasa ilalim ng tatlo-metro ang taas (9 piye) ng bumagsak na dingding! Gayon na lamang ang pagpapasalamat niya na naisipan niyang magtungo sa kusina upang maghanda ng tsa!

Nakapagpapatibay-pananampalataya na makita ang pagtugon ng ating mga kapatid na Kristiyano na, bagaman nawalan ng lahat ng kanilang mga pag-aari, ay nanatiling punúng-punô ng pag-asa. Gaya ng komento ng marami: “Ang aming mga tahanan ay gumuho, subalit hindi ang aming pananampalataya!”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share