Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 9/8 p. 3-4
  • Ang Astrolohiya ay Nagbabalik!

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Astrolohiya ay Nagbabalik!
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Astrolohiya—Ito Ba’y Hindi Nakapipinsalang Katuwaan?
    Gumising!—1986
  • Astrolohiya ba ang Susi sa Iyong Kinabukasan?
    Gumising!—2005
  • Talaga bang Kontrolado ng mga Bituin ang Inyong Buhay?
    Gumising!—1989
  • Nakakaapekto ba sa Buhay Mo ang mga Bituin?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 9/8 p. 3-4

Ang Astrolohiya ay Nagbabalik!

Ang sinisinta ng Kaniyang Kamahalan ay namatay. Ipinatawag ng nagdadalamhating hari ang astrologo na humula sa malungkot na kamatayang ito. Punô ng balak na pagpatay, sinabi ng hari: “Ikaw ay nagpapanggap na napakatalino at maraming nalalaman. Sabihin mo sa akin, ano ang iyong magiging kapalaran?”

“Panginoon,” sabi niya, “nakikinita ko po na ako ay mamamatay tatlong araw bago ang Inyong Kamahalan.” Ang mabilis na pag-iisip ay nagligtas sa buhay ng astrologong ito!

KUNG ang kuwentong ito ay totoo o hindi, inilalarawan nito ang bagay na noong unang mga dantaon ang mga astrologo ay lubhang pinaniniwalaan, kahit na ng mga nagpupunong monarka. Tungkol kay Louis XI ng Pransiya, isang mananalaysay ang sumulat: “Maraming mga astrologo . . . ang nagsamantala sa kaniyang mga takot​—at sa kaniyang bulsa.” Noong ika-15 at ika-16 na mga siglo, ang popularidad ng astrolohiya ay umabot sa tugatog nito sa Europa. Kahit na ang prominenteng mga siyentipiko ay naniwala rito.

Gayunman, ang sumisikat na popularidad ng astrolohiya ay biglang bumagsak. “Isang sulyap lamang sa teleskopyo,” sabi ng aklat na Astrology​—The Celestial Mirror, “at ang buong kosmolohiya ay tinangay na lahat. . . . Ang astrolohiya ay pinawi ng tumataas na awtoridad ng siyentipikong pangangatuwiran.” Ipinagbawal ito ng mga unibersidad sa Europa. At sa pagsisimula ng ika-20 siglo, inilarawan ng mananalaysay na si Bouché-Leclercq ang Kanluraning astrolohiya na “patay na.”

Mahigit na 30 taon na ang nakalipas, isiniwalat ng isang Gallup surbey sa Inglatera na 6 na porsiyento lamang niyaong tinanong ang naniniwala sa astrolohiya. Ngayon 80 porsiyento ang iniulat na naniniwala! Iniuulat ng mga magasin, mga programa sa TV, at mga pahayagan ang lumalagong interes ng publiko sa astrolohiya sa ibang mga bansa. “Ang unang-unang binabasa ko pagtanggap ko ng aking pahayagan,” sabi ng isang lalaki sa Timog Aprika sa kabalitaan ng Gumising!, “ay ang kapalaran o horoscope.”

Bakit ang gayong muling-pagsilang? Nang tanungin kung bakit siya at ang iba ay kumukunsulta sa mga astrologo, isang babaing Italyana ang sumagot: “Napakaraming bagay sa daigdig na ito ang sumásamâ.” Oo, tayo ay nabubuhay sa “mapanganib na mga panahong mahirap pakitunguhan.” (2 Timoteo 3:1) At inaakala ng ibang tao na ang astrolohiya ay nagbibigay sa kanila ng kinakailangang patnubay. Kaya ang bituin ng astrolohiya ay muling bumangon. Ang mga aklat tungkol sa paksang ito ay nanagana. Ang kasabihang “Ano ang iyong ‘sign’?” ay naging popular na pambukas ng usapan. Ang ibang indibiduwal pa nga ay tumatangging makipag-date kung hindi magkatugma ang kanilang “signs.”a

Gayunman, sa kabila ng popularidad nito ang astrolohikal na mga hula ay batay pa rin sa tila kahina-hinalang saligan: na ang mga posisyon ng araw, buwan, at mga planeta sa panahon ng kapanganakan ng isa ay nagsisiwalat kapuwa ng personalidad at kinabukasan ng isa. Gayumpaman, ang propesyonal na mga astrologo ay hindi nag-aatubiling sumulat ng mga horoscope na mga ilang linya o mga ilang pahina​—depende kung magkano ang handang ibayad ng isa. Sang-ayon sa magasing Psychology Today, “milyun-milyong dolyar ang ginugugol sa paggawa ng mga horoscope.” Oo, ipinagdalamhati kamakailan ng Amerikanong siyentipiko na si John Wheeler na ang kaniyang bansa ay “mayroong 20,000 mga astrologo ngunit mayroon lamang 2,000 mga astronomo.”

Napakalakas ng pagbabalik ng astrolohiya sa mga bansang Kanluranin anupa’t ang yumaong Suisong saykayatris na si Carl Jung ay sumulat: “Ito’y pumapasok sa mga unibersidad kung saan ito ay naglaho mga 300 taon na ang nakalipas.” Sa katunayan, maraming mga unibersidad sa Kanluran ang ngayo’y nag-aalok ng mga kurso sa astrolohiya. ‘Mayroon nga kayang katotohanan sa astrolohiya?’ maaaring itanong ng isang tao.

[Talababa]

a Taun-taon ang araw ay inaakalang dumaraan sa 12 mga grupo ng mga bituin na tinatawag na mga konstelasyon ng zodiac. Ang bawat konstelasyon ay mayroong kaniyang “sign” (tanda). Ang tanda na nangyaring dinaanan ng araw nang ikaw ay ipanganak ay ipinalalagay na iyong sign o tanda, sabi ng mga astrologo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share