Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 9/8 p. 4-6
  • Ang Kinabukasan Mo—Nasusulat Ba sa mga Bituin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kinabukasan Mo—Nasusulat Ba sa mga Bituin?
  • Gumising!—1986
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ito ba’y Siyentipiko?
  • Reaksiyon ng mga Siyentipiko
  • Talaga bang Kontrolado ng mga Bituin ang Inyong Buhay?
    Gumising!—1989
  • Astrolohiya ba ang Susi sa Iyong Kinabukasan?
    Gumising!—2005
  • Astrolohiya—Ito Ba’y Hindi Nakapipinsalang Katuwaan?
    Gumising!—1986
  • Ang mga Bituin at ang Tao—May Kaugnayan Ba?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 9/8 p. 4-6

Ang Kinabukasan Mo​—Nasusulat Ba sa mga Bituin?

Umaga noon ng Oktubre sa sinaunang lunsod ng Babilonya. Sa tuktok ng napakataas na baha-bahagdang templo, namamasdan ng isang saserdote ang isang mahalagang tanda sa abot-tanaw sa gawing silangan! Ang konstelasyon ng Scorpio ay sandaling sumisikat bago marahang naglaho sa pagbubukang-liwayway.

SA MGA mapamahiing taga-Babilonya, ito ay napakahalaga. Malaon nang napansin ng kanilang mga nagmamasid-bituin na ang mga bituin ng isang konstelasyon ay waring nakakahawig ng isang alakdan na may malaking nakabaluktot na buntot. Sa gayon ito’y pinanganlang girtab, o Scorpio. Inaakala nila na ang pangkat na ito ng mga bituin ay aktuwal na nagtataglay ng mga katangian ng isang alakdan. Yamang ang alakdan ay isang nilikhang panggabi, wari ngang ang Scorpio ay angkop na simbolo ng kadiliman. Ang panandaliang paglitaw nito sa bukang-liwayway tuwing Oktubre ay naghuhudyat ng nalalapit na taglamig.

Sa kaniyang aklat na The Truth About Astrology, si Dr. Michel Gauquelin ay nagpapaliwanag: “Idinisenyo nila ang makalupang alakdan sa langit, at na, sa lugar nito, ay ipinalalagay na may impluwensiya sa mga ipinanganak sa ilalim ng konstelasyong iyan. Ang uring ito ng astrolohikal na pagbaligtad ay nagpapatuloy hanggang sa ngayon. Binabanggit ng modernong mga aklat-aralin na kapag ang Araw ay nagtutungo sa Scorpio sa panahon ng kapanganakan, iginagawad nito sa bagong silang na sanggol ang ilang mga katangian ng alakdan​—isang mapanganib, mapusok at matapang na insekto [aracnido], na may nakatatakot na tibo.”

Ito ba’y Siyentipiko?

Ang araw ay hindi na sumisikat na kasabay ng Scorpio kung Oktubre. Sa loob ng mga ilang dantaon, ang kaugnayan ng lupa sa mga konstelasyon ay unti-unting nagbago. Ngayon kung Oktubre ang araw sa halip ay nagtutungo sa konstelasyon ng Libra (Latin para sa “timbangan”), na sinasabing naggagawad ng mga katangian na gaya ng halina at kaginhawahan. Lubhang kakaiba sa Scorpio!

Samantalang ang mga astrologong Silanganin ay umaalinsabay sa pinakahuling makalangit na mga pagbabagong ito, karamihan ng kanilang mga kasamahang Kanluranin ay hindi gayon. Kaya ibinabatay nila ang kanilang mga hula sa makalangit na pakana na mga 2,000 taon na ang gulang! Tungkol dito, ganito ang sabi nina Dr. H. J. Eysenck at D. K. B. Nias: “Kung ang mga astrologong Kanluranin ay tama sa paggawa ng anumang partikular na interpretasyon, ang mga astrologong Silanganin ay mali, at gayundin ang kabaligtaran nito. Gayunman inaangkin ng magkabilang panig na sila ay lubhang matagumpay!”

Ito lamang ay nagdudulot na ng labis na pag-aalinlangan tungkol sa pagkamaaasahan ng astrolohiya. Karagdagan pa, sinuri ng isang sikologo ang mga ulat ng pag-aasawa at diborsiyo ng 3,456 na mga mag-asawa. May anuman bang kaugnayan ang pagkakatugma ng kanilang astrolohikal na mga tanda sa tagumpay o kabiguan ng kanilang pag-aasawa? Sang-ayon sa magasing Science 84: “Ang mga lalaki at babae na may di-magkatugmang mga tanda ay nag-asawa​—at nagdiborsiyo​—na kasindalas niyaong mga lalaki at babae na may magkatugmang mga tanda.”

Tumutol ang mga astrologo sa pagsasabi na ang tanda ng araw, sa ganang kaniya, ay walang gaanong halaga at dapat na isaalang-alang na kasama ng planetaryong mga impluwensiya. Subalit ito man ay lumilikha ng mga suliranin sapagkat ang mga taga-Babilonya ay naniniwala sa impluwensiya ng lima lamang mga planetaryong diyos​—ang Mercury, Venus, Mars, Jupiter, at Saturn. Gayunman, ipinakikita ng teleskopyo ang tatlo pa​—ang Uranus, Neptune, at Pluto. Ito ay lumikha ng kalituhan sa gitna ng mga astrologo. “Ang ibang mga astrologo,” sulat ni Louis MacNeice sa kaniyang aklat na Astrology, “ay ginamit itong dahilan para sa mga kamalian ng kanilang mga sinundan; subalit ang iba . . . ay nangangatuwiran na ang bagong mga planetang ito ay hindi nakakaimpluwensiya sa mga tao sapagkat ang mga ito ay hindi nakikita ng mata ng tao.” Kaya ang karamihan ng mga astrologong Silanganin ay hindi pinapansin ang malayong mga planeta. Gayunman, ang mga astrologong Kanluranin ay nagbibigay ng malaking importansiya sa mga ito.

Ang panahong napili bilang saligan sa isang horoscope ay nagbabangon din ng mga pag-aalinlangan. Ginagamit ng karamihan ng mga astrologo ang panahon ng kapanganakan. Subalit ang genetikong batas ay nagsasabi na ang mga katangiang namamana ay ipinapasa sa sanggol sa paglilihi, hindi sa kapanganakan. Sang-ayon sa aklat na Astrology: Science or Superstition?, ang sinaunang astrologong si Ptolemy “ay maingat na iniwasan ito sa pagsasabi na ang kapanganakan ay magiging sa ilalim din ng konstelasyong iyon na namahala sa panahon ng paglilihi, bagaman sa katotohanan walang dahilan na maniwalang gayon nga ito.”

Reaksiyon ng mga Siyentipiko

Sa gayon maraming siyentipiko ang nabahala sa lumalagong pagtanggap sa astrolohiya. Noong 1975, 19 na mga nagwagi ng Nobel prize, pati na ang iba pang mga siyentipiko, ay naglabas ng isang manipesto na pinamagatang: “Mga Pagtutol sa Astrolohiya​—Isang Paglalahad ng 192 Nangungunang mga Siyentipiko.” Sabi nito:

“Noong sinaunang panahon ang mga tao . . . ay tumitingin sa makalangit na mga bagay bilang mga tirahan o mga pangitain ng mga Diyos at sa gayo’y lubhang nauugnay sa mga pangyayari rito sa lupa; wala silang kamalay-malay sa pagkalayu-layong distansiya ng lupa sa mga planeta at mga bituin. Ngayon na ang mga distansiyang ito ay maaari at nakalkula na, makikita natin kung gaanong pagkaliit-liit ang grabitasyunal at iba pang mga epekto na likha ng malayong mga planeta at ng mas malayo pang mga bituin. Isa ngang kamaliang isipin na ang mga puwersang likha ng mga bituin at ng mga planeta sa panahon ng kapanganakan ay maaaring humubog sa anumang paraan sa ating mga kinabukasan.”

Kapuna-puna, isang pangkat ng sinaunang mga tao ang hindi na kinailangan ang modernong siyensiya upang ipaliwanag na ang astrolohiya ay mali. Mahigit na 2,500 taon na ang nakalipas, sinabi ng Diyos na Jehova sa bansang Israel: “Huwag kayong matuto ng lakad ng mga bansa ni mag-alala man kayo sa mga tanda ng langit sapagkat ang mga bansa ay nag-aalala sa mga yaon; sapagkat ang mga kaugalian ng mga bansa ay pamahiin.” (Jeremias 10:2, 3, Byington) O gaya ng pagkakasabi rito ng New World Translation: “Ang mga tanda ng langit . . . ay isa lamang paghinga.” Sa ibang pananalita, ang astrolohikal na mga tanda ay wala kundi katulad lamang ng isang paghinga mula sa iyong mga bagà.

‘Subalit ano ngayon kung ang astrolohiya ay hindi siyentipiko?’ tutol ng iba. ‘Hindi ba maaaring malasin ito bilang hindi nakapipinsalang katuwaan?’

[Blurb sa pahina 5]

“Binabanggit ng modernong mga aklat-aralin na kapag ang Araw ay nagtutungo sa Scorpio sa panahon ng kapanganakan, iginagawad nito sa bagong silang na sanggol ang ilang mga katangian ng alakdan​—isang mapanganib, mapusok at matapang na insekto, na may nakatatakot na tibo.”

[Kahon sa pahina 5]

Gaano Kalayo ang mga Bituin?

Inaakala ng sinaunang mga nagmamasid-bituin na ang mga bituin ay napakalapit sa lupa​—mga ilang milya lamang sa pinakamalayo​—upang makaimpluwensiya sa ipinalalagay nilang isang mahalagang impluwensiya sa mga buhay ng mga tao. Subalit sa pag-unlad ng teleskopyo, naging maliwanag na mahirap mangyari ang gayon. Sapagkat kapag tinatanaw kahit na sa isang malakas na teleskopyo, ang mga bituin ay nananatiling pagkaliliit na mga liwanag.

Gayunman, noong 1830’s ang astronomong Aleman na si Friedrich Bessel ay nakagawa ng paraan upang sukatin kung gaano kalayo ang ilan sa mga bituing ito. Ginagamit ang payak na trigonometry, nakalkula niya na ang bituing tinatawag na 61 Cygni ay mahigit sampung light-years ang layo! (Ang liwanag ay naglalakbay ng 186,000 milya [3,000 km] sa bawat segundo.) Gayunman ang 61 Cygni ay isa sa mas malapit na mga bituin!

Kaya bagaman waring malapit sa isa’t isa, ang mga bituin sa isang konstelasyon ay maaaring daan-daang light-years ang layo sa isa’t isa! “Nagkataon lamang,” sabi ng aklat na Astrology: Science or Superstition?, “na, minamasdan mula sa lupa, ang mga ito ay para bang nagkukumpulan.” Kung gayon makatuwiran ba sa iyo na maniwala na ang isang konstelasyon na gaya ng Scorpio ay maaaring makaimpluwensiya sa iyong buhay?

[Larawan sa pahina 4]

Ang inukit na bato ng taga-Babilonya, na naglalarawan sa konstelasyong Scorpio, mula sa National Museum, Pransiya

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share