Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g86 11/8 p. 3-4
  • Hindi Na Ipinagbabawal na Aklat

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Hindi Na Ipinagbabawal na Aklat
  • Gumising!—1986
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Bibliya o ang Tradisyon?—Isang Problema sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1986
  • Malaganap na Maling Palagay Tungkol sa Bibliya
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Mga Biták sa Gusali
    Gumising!—1987
  • Ang Iglesya Katolika sa Aprika
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1986
g86 11/8 p. 3-4

Hindi Na Ipinagbabawal na Aklat

ANG saloobin ng Iglesya Katolika sa Bibliya ay lubhang nagbago sa ilang mga bansang Katoliko sa nakalipas na mga dekada. Magugunita pa ng nakatatandang mga Katoliko ang mga panahon nang ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi sinasang-ayunan, kung hindi man tahasang ipinagbabawal. Sa maraming bansang Katoliko, ipinalalagay ng karaniwang mga tao ang Bibliya na isang Protestanteng aklat na dapat iwasan.

Tungkol sa kalagayan sa Pransiya noong ika-18 at ika-19 na siglo, si Georges Auzou, propesor ng Banal na Kasulatan sa Great Seminary sa Rouen, Pransiya, ay sumulat sa kaniyang aklat na sinang-ayunan-simbahan na La Parole de Dieu (Ang Salita ng Diyos): “Ang pagbabasa ng Bibliya ay hindi hinihimok. . . . Sa katunayan, bukod sa klero at sa ilang mga pangkat na intelektuwal, ang banal na Aklat ay hindi na binabasa ng mga Katoliko. Ito’y naglaho sa [Katolikong] tindahan ng mga aklat. Patuloy na itinaguyod ang ideya na ang Bibliya ay isang mapanganib at hindi pa nga mabuting aklat . . . Ito ay lubhang ipinagbawal sa mga kombento ng mga madre at sa Kristiyanong [Katolikong] mga institusyong pang-edukasyon.”

Pagkatapos ay nagsimulang magbago ang mga bagay-bagay. Isinulat ni Mignot, obispong Katoliko ng Fréjus at Toulon, Pransiya, sa kaniyang paunang-salita sa Dictionnaire de la Bible (1891-1912) ni Vigouroux: “Talagang nasasaksihan natin ang isang pagkapukaw sa pag-aaral ng Bibliya sa Pransiya. Dalawampung taon na ang nakalipas [ang mga katanungan sa Bibliya] . . . ay nakainteres lamang sa iilan. . . . Pakaunti nang pakaunting kahalagahan ang iniuugnay sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Ang gayong mga bagay ay hindi kailanman pinag-uusapan, at kung, marahil, sinisipi ng ilang relihiyosong tao ang Isaias o Kawikaan, pinagtitinginan siya ng tao at pinaghihinalaan siya na may lihim na mga paghilig sa Protestantismo!”

Dahilan sa dumaraming mga gawain ng mga samahan sa Bibliya na Protestante, mga ensiklika tungkol sa pag-aaral ng Bibliya ay inilathala ni Papa Leo XIII noong 1893, ni Papa Benedict XV noong 1920, at ni Papa Pius XII noong 1943. Subalit ang mga liham na ito ng papa ay may higit na epekto sa mga teologo at mga klero kaysa mga Katolikong publiko.

Ang tunay na pagbabago ay dumating noong Ikalawang Konsilyong Vaticano (1962-65). Ang konsilyo ay nagsasabi: “Ang banal na Sinodo din ay masikap at pantanging hinihimok ang lahat ng mga tapat na Kristiyano, lalo na ang mga Relihiyoso, na pag-aralan sa pamamagitan ng madalas na pagbabasa ng banal na Kasulatan ang ‘dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Jesu-Kristo’ (Fil. 3,:8). ‘Sapagkat ang kamangmangan sa Kasulatan ay kamangmangan sa Kristo’ [sabi ni Jerome].”

Kaya, noong 1966 naisulat ng mga may-akda ng aklat na A Guide to Catholic Reading: “Mga dantaon na ngayon ang karaniwang Katoliko ay naniniwala na ang Bibliya ay isang aklat na kinasihan ng Diyos at, kasama ang tradisyon, ay siyang pinagmumulan ng lahat ng turong Katoliko. Subalit siya man ay pinagsabihang pakaingat sa kaniyang pagbabasa ng Bibliya at hinimok na mas mabuting basahin ito sa ilalim ng mahigpit na klerikal o relihiyosong superbisyon. . . . Nakatutuwa naman na ang kalagayan ay lubhang nagbago at ngayon ang mga Katoliko ay hinihimok, pinapayuhan, at pinakikiusapan sa bawat panig na basahin ang Aklat ng mga Aklat.”​—Amin ang italiko.

Ang mga siniping ito, lahat ay hinango sa mga aklat na sinang-ayunan ng simbahan, ay nagpapakita na ang Bibliya ay hindi na isang ipinagbabawal na aklat sa mga Katoliko. Gayunman, gaya ng pagkakasabi ng huling sinipi, dapat ding isaalang-alang ng mga Katoliko ang tradisyon ng kanilang simbahan. Ito ay lumikha ng isang bagong problema sa maraming taimtim na mga Katoliko, at maging sa simbahan mismo, gaya ng makikita natin sa susunod na artikulo.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share