Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 2/8 p. 29-31
  • Pagmamasid sa Daigdig

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Pagmamasid sa Daigdig
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Malaganap na Malnutrisyon
  • Pinakamatagal na Nagpupunong Emperador
  • Endometriosis at Ehersisyo
  • Paggawa ng Mapa sa Pamamagitan ng Satelayt
  • Gumawa ng Pagkakaiba
  • Bagong Paraan ng Pagkilala
  • Pera sa Basura
  • Superyor na mga Tagabuhat
  • Lipól Na
  • “Ang Pinakamabigat sa Daigdig”
  • Pag-aayos sa Brooklyn Bridge
  • Ang Golden Gate Bridge—50 Taóng Gulang
    Gumising!—1987
  • Mga Tulay—Paano Na Kaya Tayo Kung Wala ang mga Ito?
    Gumising!—1998
  • Tower Bridge—Pintuang-daan ng London
    Gumising!—2006
  • Isang Tulay na Isinunod sa Pangalan ni Vasco Da Gama
    Gumising!—1998
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 2/8 p. 29-31

Pagmamasid sa Daigdig

Malaganap na Malnutrisyon

Sang-ayon sa pinakahuling pag-aaral ng World Bank, ang bilang ng mga taong dumaranas ng malubhang malnutrisyon ay dumami ng 14 na porsiyento sa loob ng sampung taon mula 1970 hanggang 1980. Mga 340 milyon katao sa 87 nagpapaunlad na mga bansa sa Aprika, Latin Amerika, at Asia​—hindi kabilang ang Tsina dahilan sa kakulangan ng datus​—ay nasumpungang dumaranas ng malubhang malnutrisyon, nabubuhay sa pagkain na lubhang nakapipinsala sa kanilang kalusugan at sumusugpo sa kanilang paglaki. Karagdagang 390 milyon katao ang kulang ng sapat na pagkain upang mamuhay ng aktibong buhay. Ang problema, sabi ng Bank, ay hindi dahilan sa pangglobong kakapusan ng pagkain, tumataas na mga presyo ng bilihin, o ang pagdami ng populasyon kaysa produksiyon ng pagkain. “Ang paglago ng pangglobong produksiyon ng pagkain ay mas mabilis kaysa walang katulad na paglago ng populasyon sa nakalipas na 40 taon. Ang halaga ng mga binutil sa mga pamilihan sa daigdig ay bumabagsak.” Kung gayon bakit ang mga bansang ito at ang kanilang mga tao ay hindi nakikibahagi sa kasaganaang ito? Sapagkat sila ay napakahirap upang bumili ng kinakailangang pagkain, at “dahilan sa malaganap na maling kaisipan na ang mga kakulangan ng pagkain ang ugat ng problema,” sabi ng Bank.

Pinakamatagal na Nagpupunong Emperador

Si Emperador Hirohito ng Hapón, ngayo’y 85 taóng gulang, ang pinakamatagal na nagpupuno at pinakamatandang soberano sa daigdig. Sa taóng ito, ang mga seremonya sa kapanganakan ay isinama sa mga pagdiriwang na itinataguyod-pamahalaan na nagtatanda sa 60 taon na pagpupuno ni Hirohito. “Para sa akin ang pinakamasamang alaala sa nakalipas na 60 mga taon ay ang mga pangyayaring nauugnay sa ikalawang digmaang pandaigdig,” sabi ng emperador, na bago ang digmaan ay itinuturing na isang diyos. Ang pinakamaraming pulutong na tinatayang may bilang na 56,000 ay dumagsa sa hardin ng Imperial Palace upang batiin ang emperador. Mahigpit ang mga pag-iingat sa seguridad, yamang nagkaroon ng daluyong ng karahasan sa Hapón nitong nakaraang mga taon.

Endometriosis at Ehersisyo

Ang masiglang pag-eehersisyo ay waring nagbabawas ng panganib sa mga babae na magkaroon ng isang sakit na maaaring pagmulan ng pagkabaog at tumor​—ang endometriosis. Sa Estados Unidos tinatayang 10 hanggang 15 porsiyento ng mga babaing magmemenopos ay apektado ng sakit na ito, na nagpapangyari ng abnormal na mga bukol sa himaymay ng pinaka-sapin ng matris at karaniwan nang nauugnay sa masakit na mga pulikat bago ang regla. Ang masiglang ehersisyo ay “inirekomenda ng maraming doktor,” sabi ni Dr. Cramer ng Harvard Medical School sa The New York Times. “Hindi mo kinakailangang maging isang propesyonal na atleta o manlalaro upang makinabang dito, ang ilang oras lamang isang linggo na pag-eehersisyo ay maaaring magkaroon ng protektibong epekto.”

Paggawa ng Mapa sa Pamamagitan ng Satelayt

Sa pamamagitan ng radar mula sa umiikot na mga satelayt, ang mga siyentipiko ngayon ay gumagawa ng eksakto, detalyadong mga mapa ng pinaka-sahig ng karagatan. Sa katunayan, sinusukat nito ang ibabaw ng karagatan. Bagaman hindi nalalaman ng mga tao sa barko, ang ibabaw ng dagat ay hindi pantay. Dahilan sa gravity, ang tubig ay hinihila sa malalalim na lugar o nakatambak sa tuktok ng mga bundok at maaaring nagkakaiba ng 50 piye (15 m) o higit pa. “Ang pinakahuling pagtutuos,” sabi ng U.S.News & World Report, “ay napakaeksakto anupa’t ang pagkakaiba sa ibabaw ng tubig na kasinliit ng 10 sentimetro [4 in.] ay maaaring matunton sa espisipikong mga bahagi sa pinaka-sahig ng dagat.” Higit pang mga detalye ang inaasahang ilalaan ng mga satelayt sa hinaharap. “Mula sa topograpo ng pinaka-sahig ng karagatan, maaaring pag-aralan ng mga geophysicist kung paanong ang tinatawag na tectonic plates sa pinakaibabaw ng lupa ay kumikilos upang lumikha ng mga lindol at iba pang mga pagyanig,” sabi ng artikulo.

Gumawa ng Pagkakaiba

“Ang teknolohiya sa 1986 ay waring dumanas ng kapaha-pahamak na isa-dalawang suntok,” sabi ng The New York Times. “Ang unang suntok ay sa pag-eeksperimento sa mga rocket nang sumabog ang isang space shuttle, sinundan ng umaalingawngaw na mga pagputok ng isang Air Force Titan rocket at isang Delta na nagdadala ng isang satelayt para sa lagay ng panahon; ang ikalawang suntok ay sa lakas nuklear, nang kapaha-pahamak na masira ang isang reactor sa Ukraine.” Ano ang reaksiyon ng mga tao sa mga pangyayaring ito? Ang aksidente sa shuttle ay tinanggap na isa sa mga panganib ng pamumuhay sa isang makabagong teknolohikal na lipunan. Sa kahawig na mga kalagayan noong nakalipas, nagkaroon ng mga kahilingan na muling idisenyo at gawing mas ligtas ang mga bagay, walang hinangad na pangunahing mga pagbabago. “Bagaman nagpapahiwatig ng di-kasakdalan, ang mga teknolohiya ay tinanggap sapagkat ang kanilang mga pakinabang ay tila nakahihigit sa mga panganib,” sabi ng Times. Subalit kung tungkol sa pagkasira ng isang nuclear-power-reactor sa Ukraine, “ang pagtugon ng publiko sa buong daigdig ay tila man din lubhang kakaiba. Ang antas ng intensidad at damdamin ay nagpapahiwatig na ito ay isang teknolohiya na nag-uudyok ng higit na problema at takot kaysa pagtanggap dito.”

Bagong Paraan ng Pagkilala

Ang pagkilala sa nawawala o kinidnap na mga bata, naligaw na mga matatanda, napinsalang mga indibiduwal, o pati na ang kulang sa isip (retarded) ay maaari nang gawin ngayon na mas madali. Ang mga numero ng pagkakakilanlan o identification numbers, gaya ng mga numero sa Social Security, ay inilalagay sa isang microdisk at itinatali sa isang bagang sa likuran na ngipin. Ang mga numero ay isinasalansan sa isang rehistro ng computer, pati na ang pagkakakilanlang impormasyon at medikal na kasaysayan ng indibiduwal. Ang paglilingkod na ito ay ginagawa ng anim na iba’t ibang kompaniya sa kasalukuyan. “Upang maiwasan ang kalituhan, isinasagawa ngayon ng American Dental Association ang isang sentralisadong sistema,” sabi ng magasing American Health.

Pera sa Basura

Isang Biyernes ng gabi hindi maipaliwanag ng isang Alemang kahero sa bangko sa Saarlouis ang pagkawala ng DM20,000 ($9,000, U.S.). Nang sumunod na Lunes, natuklasan ng isang basurero sa basura ng lunsod ang isang bagay na kahiya-hiya sa bangko. Kasama ng mga latang walang laman, mga basurang papel, at mga balat ng itlog, nasumpungan niya ang ilang perang papel ng bangko. Hinalungkat ng isang pangkat ang mga bunton ng basura at nakasumpong ng mahigit DM7,000. Ano ang nangyari? “Ang pagbabalanse ng mga kuwenta sa katapusan ng buwan noong nakaraang Biyernes, Enero 31, ay nagpangyari sa amin na lubhang magmadali,” paliwanag ng isang tagapagsalita ng bangko sa pahayagang Aleman na Kölner Stadt-Anzeiger. “Ang mga bungkos ng perang papel ng bangko ay malamang na di-sinasadyang nahulog mula sa isang kahon ng pera tungo sa basket na tapunan ng papel,” na naglakbay mula sa basket ng basura tungo sa sentral na basurahan.

Superyor na mga Tagabuhat

Maraming babaing Aprikano ang nagdadala ng mabibigat na pasan, gaya ng mga timba ng tubig, mga bungkos ng panggatong, mga sako ng semento, at mga maleta, sa kanilang mga ulo. Sang-ayon sa siyentipikong mga pag-aaral na tinutuos ang halaga ng enerhiya, ang isang babaing Aprikano na nagdadala ng isang pasan na 70 porsiyento sa timbang ng kaniyang katawan ay pinararami ang kaniyang nilalanghap na oksiheno ng 50 porsiyento. Ang mga kinalap na hukbo, na nagdadala ng katulad na mga pasan sa kanilang mga backpacks, ay nagtala ng 100 porsiyentong higit na kinunsumong oksiheno. Sa mas magaang na mga pasan ng hanggang 20 porsiyento ng timbang ng katawan, ang mga babaing Aprikano ay hindi nagtala ng higit na kunsumo ng enerhiya. “Ang mga kinalap na hukbo,” ulat ng babasahing Nature, “ay hindi nakayang buhatin ang magaang na mga pasan nang walang metabolikong halaga.” Ipinakikita ng mga siyentipiko na ang pambihirang bagay na ito ay resulta ng maagang pagsasanay at gayundin ng tindig at paglakad. Ang paglalakad ay nangangailangan ng enerhiya pangunahin nang dahilan sa taas-baba na mga pagkilos ng katawan. “Inilalagay ng mga babaing Aprikano ang lahat ng kanilang lakas sa pagkilos na pasulong,” sabi ng magasing Discover. “Samantalang ang karamihan ng mga tao ay tumatalbog na parang mga bagón sa hugis-itlog na mga gulong, ang mga babaing Aprikano ay kumikilos na parang mga bagón sa mga gulong na bilog.”

Lipól Na

Tinatawag na ang pinakamalaking hayop na kailanma’y lumipad, ang dambuhalang pterodactyl ay malaon nang lipól. Ang fossilized na mga labí ng isa na nasumpungan sa Texas noong 1972 ay nagpapakita ng isang 36-piye (11 m) na lapad ng pakpak, tinatayang tumitimbang ng 150 libra (68 kg), at posibleng tumatayo sa taas na 12 piye (3.7 m). Isang plano na gumawa ng isang kasinlaking kopya ay hindi sinang-ayunan kundi sa halip ay ang kalahati ang laki na modelo na may 18-piye (5.5 m) na lapad ng pakpak. Ginagamitan ng mga computer upang kontrolin ang pagkampay ng mga pakpak nito, ang $700,000 na modelo ay aktuwal na lumipad sa loob ng maikling panahon noong nakaraang taon, kumikilos sa sariling mga alon ng hangin nito. Ang matagumpay na akrobatikong mga paglipad ay isinapelikula ng Smithsonian Institute para sa isang pelikula tungkol sa likas at mekanikal na paglipad. Subalit ang modelo ay kailangan pang ibunsod sa hangin, yamang ang pagkilos ng paa ay hindi maaaring gayahin, at dahilan sa bigat, hindi ito maaaring pumaitaas. May mga kabiguan at mga tagumpay, subalit sa pangwakas na pagtatanghal nito, sa isang pangmadlang demonstrasyon malapit sa Washington, D.C., mabilis na bumagsak ito sa lupa at naputol ang ulo nito. “Ngayon alam na namin kung bakit ang mga pterosaurs ay lipól na,” sabi ng gumawa nito, si Paul MacCready.

“Ang Pinakamabigat sa Daigdig”

“Si Albert Pernitsch, isang mamamayang Austriano, ay sinasabing ang pinakamabigat na tao sa daigdig,” sabi ng Japan Air Lines Newsletter. “Isang malakas kumain at uminom, si Pernitsch ay iniulat na minsan ay uminom ng 80 baso ng beer, mahigit na walong quarts (7.6 L) ng alak at kumain ng 14 na mga manok sa isang upuan lamang.” Siya ay tumitimbang ng mahigit 13 libra (5.9 kg) sa pagsilang, 400 libra (180 kg) sa gulang na 15, at ngayon ang 29-anyos na lalaki ay tumitimbang ng 876 libra (397 kg). Siya ay dinala sa Hapón ng eruplano upang “itanghal ang kaniyang laki sa isang perya sa Tokyo.” Anim na upuan sa primera-klaseng silid ng 747 na eruplano ang kinailangang alisin at lagyan ng pantanging upuan at sinturong pangkaligtasan upang upuan niya, pati na ang pinatibay na sahig at mas malaking banyo. Siya ay isinakay sa eruplano sa isang may almuhadong sisidlan ng kargamento.

Pag-aayos sa Brooklyn Bridge

Ang 1,088 vertical suspender na mga kable ng Brooklyn Bridge na sumusuporta sa daanan nito at ang 400 diagonal stays ay papalitan. “Ang pagpapalit sa kable ng tulay ay pangunahing bahagi ng 15-taon, $153 milyong na pag-aayos na inaakala ng mga inhinyerong magdadala sa tulay sa ikalawang dantaon nito,” sabi ng The New York Times. Ang tulay ay nagbukas noong 1883. Ang orihinal na suplayer ng kable ay naghatid ng may depektong kable na tinanggihan ng mga inspektor ng lunsod sa kaniyang pagawaan. Gayunman, ang tulay ay idinisenyo upang matumbasan iyon, at ang kable ay nanatili. Ang pagpapalit ay ginagawa ngayon dahilan sa tagal na nito. Dalawang kable ang naputol noong 1981, na ikinamatay ng isang naglalakad sa daanan ng tulay. Pagkatapos mapalitan ang mga kable, ang pagbanat nito ay babaguhin ng mga inhinyero upang tumbasan ang tindi o bigat. Ang apat na pangunahing kable ng tulay ay hindi papalitan.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share