Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 2/22 p. 8-9
  • Ang Katuwaan Ba ay Hindi Nakasasakit na Biro?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Katuwaan Ba ay Hindi Nakasasakit na Biro?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • “Gaya ng Isang Baliw”
  • Kung Paano Hihinto
  • Bakit ang Saya-Saya ng Ibang mga Kabataan?
    Gumising!—1996
  • Paano Ako Magsasayá?
    Gumising!—1996
  • Bakit Bawal Akong Mag-enjoy?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Bakit Pinagbabawalan Akong Mag-enjoy ng mga Magulang Ko?
    Gumising!—2011
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 2/22 p. 8-9

Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . .

Ang Katuwaan Ba ay Hindi Nakasasakit na Biro?

KATUWAAN lamang ito. Ang mga batang lalaking may kagagawan nito ay lalo pang nagtawa. Sama-sama nilang itinali ang ilang dram ng langis, nilagyan ng mga palikpik ang isang dulo, at pinintahan ito ng puti. Sa isang panig nito ay nakasulat ang mga titik na “C.C.C.P.”​—ang unang mga titik ng salitang kumakatawan sa Unyong Sobyet. Inilagay nila ito malapit sa bahay ng isang taong nagngangalang Ted. Kinabukasan, sindak na sindak, siya ay tumawag sa pulisya, iniulat na isang missile na Sobyet ang bumagsak malapit sa kaniyang bahay. Samantalang siya ay nininerbiyos na nakikipag-usap sa isa sa mga opisyal na dumating upang magsuri, ang katuwaan ay nauwi sa masamang biro. Si Ted ay hinimatay at isinugod sa ospital na nasa malubhang kalagayan.

Totoo, hindi lahat ng katuwaan ay maglalagay sa isang tao sa ospital, subalit isip-isipin kung ano ang madarama mo kung ikaw ang may kagagawan ng gayong sakuna​—dahilan lamang sa nais mo ng kaunting katuwaan. Ang katuwaan ay popular sa maraming kabataan, na ang karamihan ay hindi nakikita ang pinsala nito at ipinalalagay na ito ay nakatutuwa. Subalit gayon nga ba?

“Gaya ng Isang Baliw”

Ang aklat ng Bibliya na Kawikaan ay isinulat “upang magbigay ng katalinuhan sa walang karanasan, ng kaalaman at kakayahang mag-isip sa kabataan.” (Kawikaan 1:1-4) Kabilang sa matalinong mga kasabihan nito ang talatang ito tungkol sa katuwaan o pagbibiro: “Kung paanong ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana at kamatayan, gayon ang tao na nagdaraya sa kaniyang kapuwa at nagsasabi: ‘Hindi ko ba ginagawa sa katuwaan?’” (Kawikaan 26:18, 19) Ang salitang “ulol” ay tumutukoy sa isa na loko. “Gaya ng isang baliw” ang pagkakasalin dito ng A New Translation of the Bible ni James Moffatt.

Isip-isipin ang pinsala sa buhay at ari-arian na maaaring gawin ng isang taong may sira ang isip na naghahagis ng mga pana​—na ang mga dulo ay may apoy pa nga! Baka hindi lubusang maunawaan ng “isang baliw” ang kaselangan ng kaniyang pagkilos. Siya ay walang anumang katuwiran. Sa gayunding paraan, yaong mga ‘nandaraya’ sa iba ay baka wala talagang intensiyon na manakit. Gayunman, ito ay isang maliit na kaaliwan doon sa mga nasaktan sa pisikal o emosyonal ng gayong mga pagbibiro. Kung gayon, bakit ang iba ay nagsasagawa ng gayong katuwaan o pagbibiro sa iba?

Ang kawikaan ay nagbibigay sa atin ng dahilan na ang sabi, “Hindi ko ba ginagawa sa katuwaan?” Kaya karaniwan nang ito’y ginagawa sa katuwaan, upang iwaksi ang pagkabagot, o upang tumawag ng pansin mula sa iba. Gayundin, sang-ayon sa aklat na Childstress! ni Mary Susan Miller, ang mga katuwaan ay itinatala bilang isa sa “Neurotikong mga Depensa” na ginagamit ng ilang mga bata at mga adulto bilang pagtugon sa kaigtingan. Gayundin ang iba ay nagbibiro o gumagawa ng katuwaan bilang pagganti sapagkat sila ay naging biktima ng pagbibiro ng iba. Mangyari pa, sa pagpapatuloy sa siklo ng kahangalan, ibinababa ng isang kabataan ang kaniyang sarili na kapantay ng isa na nagsulsol o nagsimula nito. Ang matalinong pagkilos ay tumangging magsagawa ng katuwaan o pagbibiro.

Kung Paano Hihinto

Tanungin ang iyong sarili: “Nanaisin ko bang gawin sa akin ang gayunding bagay?” Sabi ni Jesus: “Lahat ng bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, ganoon din ang gawin ninyo sa kanila.” (Mateo 7:12) Hinihimok tayo ng Bibliya na magpakita ng pakikiramay sa kapuwa at ng malumanay na kaawaan, at hinahadlangan tayo nito na gumanti ng masama sa masama. (1 Pedro 3:8, 9) Ang paglinang ng gayong may kabaitang mga katangian ay hindi lamang hahadlang sa iyo sa paggawa ng mga katuwaan sa iba kundi mapapamahal ka rin sa iba. Ang mapagbiro ay maaaring umani ng mga pagtawa, subalit ikaw ay aani ng mga kaibigan.

Isa pa, dapat kang maging maingat sa uri ng mga tao na kasa-kasama mo. “Hindi ako naupo sa kapisanan nila na nagkakatuwaan,” sabi ni propeta Jeremias. (Jeremias 15:17) Madaling maimpluwensiya ng ating mga kasama. Iwasan yaong mga kilala sa pagiging mapagbiro.

“Nais kong ako’y tanggapin ng mga kabataan na kasa-kasama ko sa paaralan, upang mayroon akong mapagkatuwaan,” sabi ni Debbie habang ginugunita niya ang kaniyang buhay na punô ng ligalig bilang isang tin-edyer. Ipinaliwanag niya kung bakit niya ginawa ang ilang napakamangmang na mga bagay: “Kasi ito ay nakatutuwa. Ang lahat ng bagay ay kinakailangang nakatutuwa. Hindi ko inintindi kung paano nito maaapektuhan ang aking kinabukasan o na balang araw ay lilingunin ko ang nakaraan at gugunitain ang mga pilat ng kahapon.” Ang gayong madalas na pagbibiro ay hindi gumawa sa kaniya na tunay na maligaya. Ito ay gaya ng sinasabi sa Kawikaan 14:13: “Maging sa pagtawa man ang puso ay nagiging mapanglaw.” Sa wakas ay nakita niya ang kamangmangan ng kaniyang landasin sa buhay at siya ay nagpasiya na mamuhay sa mga simulain ng Bibliya. Ang tunay na kaligayahan na taglay niya ngayon ay nakahihigit sa panandaliang mga pagtawa mula sa paggawa niya ng mga katuwaan.

Kaya ang katuwaan ba ay hindi nakasasakit na biro? Ang Bibliya, gayundin ang di mabilang na malungkot na mga karanasan, ay sumasagot ng hindi. Huwag hayaan na ang paghahangad para sa “katuwaan” ay magpalihis sa iyo sa pagsasagawa ng mahuhusay na mga tunguhin sa buhay. “Ang kamangmangan ay kagalakan sa taong walang bait, ngunit pinatutuwid ng taong matalino ang kaniyang lakad.”​—Kawikaan 15:21, The Holy Bible in the Language of Today, ni W. F. Beck.

[Larawan sa pahina 9]

Ang mapagbiro ay maaaring umani ng mga pagtawa, subalit sino ang umaani ng mga kaibigan?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share