Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 3/22 p. 3-4
  • Ang Pangangailangan Para sa Salapi

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Pangangailangan Para sa Salapi
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Pera Ba ang Ugat ng Lahat ng Kasamaan?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Balanseng Pananaw sa Pera
    Gumising!—2015
  • Pera
    Gumising!—2014
  • Paano Ko Mapamamahalaan ang Aking Salapi?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 3/22 p. 3-4

Ang Pangangailangan Para sa Salapi

“ANG salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan.” Narinig mo na ba ang sinuman na nagsabi niyan? Sa katunayan, ito ay bahagi lamang ng pangungusap na: “Ang pag-ibig sa salapi ang ugat ng lahat ng uri ng kasamaan.”a

Oo, totoo na ang karamihan ng kasamaan ay bunga ng masakim na paghahangad sa mga kayamanan. At ang karamihan ng mga krimen ay ginagawa upang magkaroon nito. Gayunman, saan kaya tayo naroroon ngayon kung hindi umiral ang salapi?

Mangyari pa, may panahon noon na ang salapi ay hindi ginamit. At kahit na pagkatapos itong maipakilala, ang gamit nito ay limitado at di-palagian. Ang mga sambahayan ng mga magsasaka noon ay kainaman nang hindi umaasa sa iba at sinusustentuhan ang kanilang sariling mga pangangailangan. Nakikipagpalitan sila ng anumang mga bagay na hindi nila maitustos sa kanilang mga sarili, tuwirang ipinagpapalit ang kanilang mga sariling paninda sa iba. Gayunman, nagkaroon ng ilang problema, lalo na para sa isa na nagdadalubhasa sa isang kalakal o negosyo o isang upahang manggagawa.

Binanggit ni Jesus ang gayong mga manggagawa sa isang ilustrasyon ng isang may-ari ng bahay na umuupa ng mga lalaki na magtrabaho sa kaniyang ubasan. (Mateo 20:1-16) Ang mga lalaki ay tumanggap ng isang itinakdang halaga ng salapi, na nagpapahiwatig na ang paggamit ng salapi ay matatag na nang panahong iyon. Subalit isip-isipin lamang kung ikaw ang isa sa manggagawang iyon at sa halip na tumanggap ng salapi bilang suweldo ikaw ay tumanggap ng mga ubas!

Ngayon, maaaring mahilig ka sa ubas, subalit tiyak na hindi mo gugustuhin na kumain na lagi ng ubas. Nanaisin mo ang mas marami at iba’t ibang pagkain, kasama na ang karne at mga gulay. Kakailanganin mo rin ang sapatos, pananamit, at gatong, gayundin ng iba pang mga bagay at mga paglilingkod. Kaya, hahanapin mo ang mga tao na kusang makikipagpalitan sa iyo ng mga bagay na iyon.

Ano kung ang mga taong iyon ay hindi mahilig o ayaw ng ubas? Kung gayon ikaw ay maghahanap ng isa na tatanggap ng iyong mga ubas at papalitan ito sa iyo ng mga bagay na kinakailangan mo. Ang pagpapalitang ito ay maaaring kumuha ng mas mahabang panahon kaysa ginugol mo unang-una na upang kitain ang mga ubas!

Ang isa pang problema na bumabangon ay yaong pagpipresyo sa mga bagay na ipinagpapalit. Halimbawa, gaano karaming ubas ang katumbas ng isang manok? Gaano karami para sa isang pares ng sapatos? Ang bawat bagay na ipinagpapalit ay dapat na may katumbas na halaga sa lahat ng iba pang mga bagay. “Halimbawa, kung mayroong 1,000 iba’t ibang mga paninda at mga paglilingkod na ipinagbibili,” sabi ng aklat na Money, Banking, and the United States Economy, “sa halip na 1,000 dolyar na mga presyong makukuha upang sukatin ang kanilang halaga, 499,500 katumbas na pagpapalitan ang kakailanganin!”

Hindi lamang iyan mahirap tandaan, kundi ang talaan ay kinakailangang rebisahin at baguhin sa tuwina yamang ang mga kalagayan ay iba-iba. At kung ang bagay na ipagpapalit mo, gaya halimbawa ng isang baka, ay higit ang halaga kaysa talim ng palakol na nais mong kunin, paano mo aayusin ang mga bagay? Kanino mapupunta ang baka kung nais mong gamitin ang halaga nito upang bumili ng ilang bagay mula sa iba’t ibang tao? Anong hirap ngang makipagtransaksiyon ng anumang negosyo sa ilalim ng gayong mga kalagayan! Tiyak na kakailanganin ang isang pamantayan sa pagpapalitan ng mga paninda o mga paglilingkod. Diyan pumapasok ang pangangailangan para sa salapi.

Samakatuwid, ang salapi ay nagsisilbi sa sumusunod na pangunahing mga tungkulin o gawain:

● Ito ay isang paraan ng pagpapalitan na nagpapangyari sa atin na madaling makuha ang mga paninda o mga paglilingkod ng iba.

● Ito ay nagsisilbing isang panukat ng halaga​—isang pamantayang sukat ng kuwarta​—na sa pamamagitan nito ang halaga ng lahat ng mga paninda at mga paglilingkod ay maaaring ihambing at sabihin.

● Sinusukat din nito ang dami ng naiipon, isang paraan na sa pamamagitan nito ikaw ay maaaring mag-impok, o paramihin, ang iyong mga kita para magamit sa dakong huli.

Ang paggawa ng salapi ay nagpangyari ng malalaki, industriyalisadong mga negosyo pati na ang kanilang pagkarami-raming itinatanghal na mga paninda. Sa pamamagitan nito, nakukuha natin ang pinakabago at pinakamabuti sa mga paninda at mga paglilingkod na iyon. Ito ang buhay ng paglago ng kabuhayan o ekonomiya, ang salik kung saan dumidepende ang komersiyal na kalakal. Dahilan dito, maaaring magkaroon ng pagdadalubhasa sa larangan ng negosyo.

“Subalit ang salapi, na isang kapaki-pakinabang at ninanasang lingkod, ay kung minsan gumagawa ng kalokohan,” sulat ni John A. Cochran sa kaniyang aklat na Money, Banking, and the Economy. “Ang salapi ay maaaring maging isang malaking pagpapala o isang malaking sumpa.” Lalo nang totoo ito kung tungkol sa masalimuot na ekonomiya ng ating makabagong panahon, kung saan ang mga kayamanan ay maaaring gawin o mawala sa magdamag, ang mga negosyo ay maaaring bumangon o bumagsak, at ang mga gobyerno ay maaaring sumagana o hindi makabayad. Nasa sentro ng maraming mga insidenteng ito ay yaong pagkalalaking mga pinaglalagakan ng salapi​—ang mga bangko. Kailan lamang, ang mga bangko ay bumabagsak sa bilis na walang katulad. Mayroon bang dahilan upang mabahala?

[Talababa]

a Ang pangungusap, na isinulat sa Macedonia ni apostol Pablo sa pagitan ng mga taóng 61 at 64 C.E., ay masusumpungan sa Bibliya sa 1 Timoteo 6:10, King James Version.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share