Pakikipagbaka Laban sa Kanser
Ginulat ni Jeff Blatnik, kampeon na wrestler sa Olympic, ang daigdig sa pagdaig niya sa kanser (Hodgkin’s disease) upang magwagi ng medalyang ginto sa Greco-Roman wrestling noong 1984. Pagkatapos ang kaniyang kanser ay muling lumitaw sa iba pang bahagi ng katawan. Ano ang kaniyang reaksiyon?
Inamin niya na siya ay umiyak. Subalit pagkatapos siya ay nagpasiyang makipagbaka. “Naisip ko, ‘Bueno, nadaig ko na ito minsan, dadaigin ko itong muli.’” Sabi pa niya: “Ito’y para bang nagsisimula na naman akong muli. Itinuring ko ang buong bagay na ito na gaya ng isang hamon. Ganiyan ang kanser—isa lamang pagbabago sa buhay.”
Si Jeff ay napasailalim ng chemotherapy na paggagamot, na kadalasan ay nagkakaroon ng masamang mga epekto. Subalit siya ay naghihinuha: “Ang karamihan ay pangkaisipan. Kahit na ang reaksiyon sa chemotherapy. Determinado akong huwag magkasakit, at hindi ako nagkasakit. At hindi mo kinakailangang maging isang Olympic na kampeon upang magkaroon ng saloobing iyan. . . . Mahalagang malaman ng mga tao na mayroong buhay pagkatapos ng kanser.”—The New York Times, Abril 8, 1986.