Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/8 p. 3
  • Kalusugan Para sa Lahat ng Tao—Kailan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kalusugan Para sa Lahat ng Tao—Kailan?
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Kalusugan Para sa Lahat—Isang Mahalagang Pangangailangan
    Gumising!—1987
  • Mabuting Kalusugan Para sa Lahat—Isa Bang Maaabot na Tunguhin?
    Gumising!—2001
  • Kung Ano ang Tumitiyak sa Iyong Kalusugan—Kung Ano ang Magagawa Mo
    Gumising!—1995
  • Gaano ba Tayo Kalusog?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 5/8 p. 3

Kalusugan Para sa Lahat ng Tao​—Kailan?

“Ang mga paglilingkod sa kalusugan ng bayan ng 67 pinakamahirap na nagpapaunlad na mga bansa, maliban sa Tsina, ay kaunti ang ginugugol sa lahat ng pangangalaga sa kalusugan kaysa ginugugol ng mayayamang bansa sa mga trangkilayser lamang.”​—Health Crisis 2000.

“KALUSUGAN para sa lahat sa taóng 2000”​—ang sawikaing iyan ay inulit lalo na mula noong International Conference on Primary Health Care, na itinaguyod noong 1978 ng WHO (World Health Organization) at ng UNICEF (United Nations Children’s Fund). Dinaluhan ng mga delegado mula sa mga 134 na bansa, itinawag-pansin ng komperensiyang iyan sa buong daigdig kung gaano kalaki talaga ang kulang sa larangan ng kalusugang pandaigdig.

Ang noo’y executive director ng UNICEF, si Henry R. Labouisse, ay nagsabi: “Isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagkakatipon dito ngayon ay ang ating taimtim na paniniwala na ang kahiya-hiyang pagkakaiba sa pagitan ng mga pagkakataon sa kalusugan sa iba’t ibang dako ng daigdig, at gayundin sa loob ng mga bansa, ay hindi na maaaring pabayaan.”

Bago pa ang komperensiya, binanggit ng isang report ang tungkol sa pagkalaki-laking pangglobong agwat sa pagitan ng kalusugan ng mga may sinasabi sa mas mayamang mga bansa at ng mga walang-wala sa ibang dako. Sinabi ng isang report ng UNICEF nang taóng iyon na sa ilang mahihirap na bansa “10% lamang ng mga taong ito ang nakakakuha ng sapat na pangangalaga sa kalusugan” at “dalawampung porsiyento​—marahil​—ang umiinom ng malinis na tubig.”

Ang komperensiya ay nanawagan para sa “pagpapalaganap ng panustos na pagkain at wastong nutrisyon, isang sapat na panustos ng malinis na tubig at mahalagang sanitasyon; pangangalaga sa kalusugan ng ina at ng bata, . . . paglalaan ng kinakailangang mga gamot.”

Lahat ng ito ay napakamahal na bagay, lalo na sa mga tao sa mahihirap na bansa. Saan kaya masusumpungan ang salapi para sa gayong mga pangangailangan? Sinabi ng komperensiya na ang “kapayapaan, détente (pagluluwag ng tensiyon sa pagitan ng mga bansa) at disarmamento” ay maaaring maglabas ng pagkalaki-laking halaga ng salapi para sa gayong mga layunin. Sa gayon, ang magasing World Health, na lathala ng WHO, ay naudyukan na magkomento: “Isip-isipin ang isang huwarang daigdig kung saan ang lahat ng talino, gastos at tao at materyal na likas-yaman na kasalukuyang ibinubuhos sa mga sandatang militar ay sa halip itatalaga sa pagpapaunlad ng kalusugan ng daigdig!”

Subalit sa nakalipas na mga taon sapol noong 1978, nakikita mo bang nagaganap ang gayong kapayapaan, détente, at disarmamento? Hindi ba’t ang mga bansa ay nagtutungo mismo sa kabilang direksiyon, samantalang ang suliranin tungkol sa kalusugan ay patuloy na lumalaki?

[Larawan sa pahina 3]

Mga batang mag-aaral sa Colombia na binabakunahan

[Credit Line]

P. Almasy/WHO

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share