Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 5/8 p. 6-7
  • Kumusta Naman ang Iyo Mismong Kalusugan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kumusta Naman ang Iyo Mismong Kalusugan?
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Kalusugan Para sa Lahat—Isang Mahalagang Pangangailangan
    Gumising!—1987
  • Isang Nakatataas na Bukal ng Karunungan
    Ang Bibliya—Salita ng Diyos o ng Tao?
  • Lunas Para sa Lahat ng Sakit—Maaaring Masumpungan!
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Ano ang Tingin ng Diyos sa Paggamit Ko ng Tabako?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2012
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 5/8 p. 6-7

Kumusta Naman ang Iyo Mismong Kalusugan?

SINISIKAP ng medisina na pagalingin ang mga sakit. Kadalasan nang nagtatagumpay ito sa paggawa ng gayon, subalit unang-una na’y maaaring hadlangan ng isang nakapagpapalusog na landasin ng buhay ang mga karamdaman.

Sinabi ni Dr. Halfdan Mahler, director-general na WHO, na dapat nating panindigan ang ating mga pananagutang pangkalusugan, “pagkain nang wasto, pag-inom nang katamtaman, huwag man lamang manigarilyo, pagmamanehong maingat, sapat na pag-eehersisyo, pagkatutong mamuhay sa ilalim ng maigting na buhay sa lunsod, at pagtutulungan sa isa’t isa sa paggawa ng gayon.”

Ang Bibliya taglay ang matalinong payo at mahusay na pangaral nito ay makatutulong sa atin nang malaki tungkol sa bagay na ito. Ang mga simulain nito ay umaakay tungo sa mas tiwasay na buhay at sa gayo’y sa mas mabuting kalusugan sa ating maigting na daigdig. Ang mga turo nito ay “nakapagpapalusog na mga salita” hindi lamang sa espirituwal na diwa kundi gayundin sa pisikal na diwa. Ang mabubuting kasabihan nito “ay buhay sa mga nakakasumpong nito at kalusugan sa buo nilang katawan.”​—2 Timoteo 1:13; Kawikaan 4:22.

Ngunit higit pa riyan, maaaring bawasan ng mga simulain ng Bibliya ang malubha, nakamamatay na mga suliranin. Paanong mangyayari iyan? Narito ang ilang mga halimbawa:

Tinatawag ng pamahalaan ng E.U. ang paninigarilyo na “maliwanag na siyang pinakamalaking maiiwasang sanhi ng karamdaman at maagang kamatayan sa Estados Unidos.” Ang mga kamatayan dahil sa kanser ay anim na beses na mas mataas sa gitna ng mga lalaking naninigarilyo kaysa roon sa mga hindi naninigarilyo. Ang Bibliya ay nagsasabi: “Magsipaglinis tayo ng karumihan ng laman at ng espiritu.” (2 Corinto 7:1) Malaon nang ikinapit din ito ng mga Saksi ni Jehova sa pananabako. Sa gayon, sa ganang kanila lubhang nabawasan nila ang pangunahing sanhi ng isa sa pinakakakila-kilabot na sakit sa daigdig.

Ang pag-abuso sa alkohol at ang paglalasing ay pinagmumulan hindi lamang ng cirrhosis sa atay kundi ng mga away, pagtatalo, karahasan, at ng isang modernong salot ng nakamamatay na mga aksidente sa kotse. Makatutulong ba rito ang Bibliya?

Ito’y nagpapayo ng katamtamang paggamit ng alkohol, na ang sabi: “Ni . . ang mga manlalasing, ni ang mga mapagmura . . . ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos. At ganiyan ang iba sa inyo dati.” At: “Ang alak ay manunuya, ang matapang na alak ay manggugulo, at sinumang napaliligaw rito ay hindi pantas.” (1 Corinto 6:9-11; Kawikaan 20:1) Makatuwiran ba ang nakapagpapalusog na payong iyan ng Bibliya?

Ang pag-abuso sa ipinagbabawal na mga droga ay naging isang malubhang suliraning pangkalusugan sa gitna ng mga kabataan sa ngayon. Ang Health Crisis 2000 ay nagsasabi: “Napakalaking halaga ng salapi ang nagugugol sa pagpapatupad ng batas laban sa ilegal na pagbibili ng droga samantalang kaunti lamang ang ginugugol unang-una na sa paghadlang sa ating mahinang mga kabataan sa pagiging mga sugapa.” Ikinakapit ng mga Saksi ni Jehova ang gayunding salig-Bibliyang simulain na kumakapit sa tabako sa bumabaluktot-isipan na mga droga. (2 Corinto 7:1) Ang mga magulang ay nagpapakita ng halimbawa sa bagay na ito, itinuturo ito sa kanilang mga anak, at sa kalaunan ay humahantong unang-una na sa paghadlang sa pagiging sugapa.

Ang mga sakit na seksuwal na naililipat, gaya ng gonorrhea at AIDS, ay isang lumalaking banta sa mga tao na may maraming kapareha sa sekso. Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol dito? Maliwanag na hinahatulan nito ang imoralidad sa sekso. Itinuturo nito ang pag-aasawa sa isa lamang tao habang-buhay at ang pagiging tapat sa taong iyon sa moral na paraan. Sabi nito: “Hayaang ang pag-aasawa’y maging marangal sa lahat, at huwag nawang madungisan ang higaan ng mag-asawa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at mga mangangalunya.” (Hebreo 13:4) At, sabi nito: “Ngayon ang mga gawa ng laman ay hayag, at ang mga ito’y pakikiapid, karumihan, kalibugan . . . Ang mga namimihasa sa ganitong mga bagay ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos.”​—Galacia 5:19-21; Mateo 5:32.

Ang gayong mahuhusay na simulain ng Bibliya ay umaakay sa mas mabuting kalusugan kahit na sa punô-ng-ligalig na daigdig sa ngayon, subalit ang mga ito ay hindi makapagbibigay ng permanenteng pagpapagaling. Ang permanenteng pagpapagaling ang paksa sa susunod na artikulo.

[Mga larawan sa pahina 7]

“Sinugatan natin ang ating mga sarili, sa paniniwala na ang siyensiya, mga doktor at mga ospital ay makasusumpong ng isang lunas, sa halip na una pa’y hadlangan ang mismong mga sanhi ng karamdaman.”​—Health Crisis 2000

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share