Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 6/8 p. 31
  • Malayo-ang-Nararating na mga Tawag ng Elepante

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Malayo-ang-Nararating na mga Tawag ng Elepante
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Garing—Gaano Kahalaga Ito?
    Gumising!—1998
  • Pangangalaga sa Mapayapang Pachyderm
    Gumising!—1992
  • Mga Nakaliligtas sa Disyerto ng Namib
    Gumising!—1992
  • Panahon Na ba Upang Magpaalam?
    Gumising!—1989
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 6/8 p. 31

Malayo-ang-Nararating na mga Tawag ng Elepante

ANG kakayahan ng mga elepante na mabilis na masumpungan ang isa’t isa kapag milya-milya ang layo ay nakalito sa mga siyentipiko sa loob ng maraming taon. Ngayon, waring, ang lihim ng pinakamalaking nabubuhay na mga hayop na ito sa lupa ay natuklasan na​—sila ay gumagamit ng infrasound! Iyan ay tunog sa mga frequency na napakababa upang marinig ng tao.

Ang mga elepante ang unang mga mamal sa lupa na nasumpungang nakikipag-ugnayan sa isa’t isa sa pamamagitan ng infrasound, sabi ng Focus, ang pulyeto ng World Wildlife Fund. Natuklasan ng mananaliksik na si Katharine Payne ng Cornell University (E.U.) ang “lihim” na pag-uusap ng elepante mga tatlong taon na ang nakalipas nang obserbahan niya ang mga elepante na mula sa Asia sa isang zoo. Napansin niya ang mga pagyanig sa paligid niya na kahawig ng pagyanig na pinapangyari ng “pinakamababang pipa sa isang organ.” Nang dakong huli, ipinakita ng isang pantanging kagamitan sa pagrerekord ng tunog na ang mga elepante mula sa Asia at gayundin ang mas malalaking elepante sa Aprika ay nagpapalitan ng malawak at maayos na mga tawag na infrasonic. Yamang ang mga tunog na mababa ang frequency ay naglalakbay ng mas malayo kaysa mga tunog na mataas ang frequency, maaaring ipaliwanag ng tuklas kung paanong ang mga elepante ay nakikipag-ugnayan sa isa’t isa at kumikilos bilang isang malapit na mga pangkat ng pamilya.

Sa gayong grupo, isang matandang elepanteng babae ang nagbibigay ng utos. Ang kaniyang mga kapatid na babae at mga anak na babae ay magalang na nakikinig sa matriarkang ito. Ngunit kung minsan ang batang mga elepante ay hindi nakikinig sa anumang pagtawag, infrasonic man o iba pa. “Kahit na kung ang kawan ay lumalakad,” sabi ng Focus, “kung nais na matulog ng isang batang elepante, ang buong pamilya ay humihinto at naghihintay hanggang sa magising ang bata bago lumakad.” Ang panlahatang pagkabahalang ito sa 200-librang (90 kg) mga batang elepante ay hindi nadarama ng adultong mga elepanteng lalaki. Namumuhay sila ng kanilang sariling buhay. Subalit “kapag handa na silang mag-asawa,” susog pa ng pulyeto, ang infrasound ay waring nagbibigay sa mga lalaki ng “kataka-taka at mahiwagang kakayahan na hanaping mabilis ang mga babae sa layo na mga ilang milya.”

Oo, ang infrasonic na komunikasyon ay isa pang halimbawa ng katalinuhan ng Maylikha gaya ng ipinakikita sa kaharian ng mga hayop.​—Awit 104:24.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share