Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 8/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Daigdig Mula Noong 1914
  • Ang Iglesya Katolika at si Hitler
  • Kung Bakit Nanahimik ang mga Relihiyon
    Gumising!—1995
  • Ang Relihiyon ay Pumapanig
    Gumising!—1994
  • Ang Bibliya o ang Tradisyon?—Isang Problema sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1986
  • Ang Iglesya—Mga Pagbabago at Kalituhan
    Gumising!—1993
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 8/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang Daigdig Mula Noong 1914

Salamat sa serye ng mga artikulo tungkol sa “Ang Daigdig Mula Noong 1914.” (Marso 8 hanggang Hunyo 22, 1987 sa Ingles) Sa paaralan kami ay laging tinuturuan ng kasaysayan mula noong panahon ni William the Conqueror subalit hindi hanggang sa kasalukuyang pangyayari sa daigdig. Kailanman ay hindi ko talaga naunawaan ang mga dahilan at mga pangyayari sa likuran ng Digmaan Pandaigdig II, na naganap sa aking maagang kabataan. Ang “takot” na isinulat ninyo ay totoong-totoo at nadarama kahit na ng mga bata.

C. L., Inglatera

Ang inyong serye ng mga artikulong “Ang Daigdig Mula Noong 1914” ay talagang kahanga-hanga! Nang binubuklat ko ang magasin na naglalaman ng Bahagi I, ito ang artikulong hindi gaanong nakatawag ng aking pansin, subalit nang basahin ko ito, hindi ko tinigilan ito at patuloy kong binasa ang Bahagi II, na naroroon, nalulungkot ako’t ang kasunod na mga bilang ay hindi pa nailalathala. Kailanman ay hindi pa ako nagkaroon ng gayong interes sa mga pangyayari noong nakalipas na mga taon.

J. E. S. J., Brazil

Ang Iglesya Katolika at si Hitler

Alang-alang sa mahigit 50 milyong mga Katoliko sa Estados Unidos, nais ipahatid ng Catholic League for Religious and Civil Rights ang pagtataka at kabiguan nito sa labis na maling pagpaparatang laban sa Iglesya ng inyong labas na “Ang Relihiyon sa Pulitika​—Ito ba ang Kalooban ng Diyos?” (Abril 22, 1987) Ang pabalat ay naglalaman ng larawan ng isang membro ng herarkiyang Katoliko na nakikipagkamay kay Hitler. Ang masamang implikasyon ay na ang kilusang Nazi, at ang pagtatangkang paglipol nito sa mga Judio at iba pa, ay may ganap na pakikipagtulungan at pagpapala ng Iglesya Katolika. Ang mali at iresponsableng paratang na ito ay maliwanag na lumilitaw sa pahina 6, kung saan sinasabi nito na ang mga klerong Katoliko ay nagbigay sa rehimeng Nazi ng “pagsuporta o sa paano man ay nakipagpayapaan sa isa’t isa.” Sa katunayan, sinikap ng Vaticano na makipagpayapaan kay Hitler noong pasimula pa lamang ng Alemanyang Nazi kung kailan maaari pa sanang umasa na ang mga kalabisan nito ay mabawasan. Nang mangyari ang kalupitan ng Nazi, ang panlalaban ng Iglesya Katolika ay tumindi. Ang mga editor ng Gumising! ay hindi lamang dapat humingi ng paumanhin sa mga Katoliko sa pagsasabi ng gayon; kundi kailangan din nilang ituwid ang mga bagay-bagay sa kanilang mga mambabasa.

K. G. L., Director of Public Affairs,

Estados Unidos

Noong dalaw niya kamakailan sa Alemanya, sinikap ni Papa John Paul II na idiin ang pagsalansang ng Iglesya Katolika sa Nazismo. Sang-ayon sa mga ulat, itinala niya ang maraming klerigo at mga legong Katoliko na sumalansang sa mga Nazi. Subalit sang-ayon sa “The New York Times” (Mayo 4, 1987), ang “pagsisikap na ito ay pinuna ng ilang Katoliko, na pinararatangan ang Papa ng pagpilipit sa katotohanan na iilan lamang sa mga lider na Katoliko ang aktuwal na nanlaban sa kalupitan ng Nazi, bukod sa pagsusumikap na iligtas ang mga pag-aari ng simbahan.” Kahit na ang paring Jesuita na si Rupert Mayer, na ginawang banal ng papa dahil sa pagsasalita laban sa mga Nazi, ay ikinulong sa monasteryo sa Ettal sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng mga lider ng Nazi at ng herarkiya ng simbahan, dahilan sa ang prangkang pagsasalita ng Jesuita ay naging isang kahihiyan, sang-ayon sa “Times.” Isang paring Jesuita! Bakit hindi pinarangalan ng papa ang maraming obispo, arsobispo, at mga kardinal na Katoliko, pati na ang libu-libong mga paring Katoliko, sa kanilang pagsalansang sa mga Nazi? Sapagkat ang karamihan ay hindi nanlaban sa Nazismo!​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share