Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 9/22 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Mabuting Kalusugan
  • Acne
  • Pag-asa sa mga May Sakit sa Isip
  • Panganganak? O Aborsiyon?
  • Nagpapasalamat sa Kung Ano ang Taglay Ko
  • Aborsiyon—Hindi Talaga Solusyon
    Gumising!—2009
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Aborsiyon—Ano ang Kabayaran?
    Gumising!—1987
  • Aborsiyon—Ito ba ang Lunas?
    Gumising!—1995
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 9/22 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Mabuting Kalusugan

Salamat sa inyong artikulo na “Good Health Is Good for Business.” (Pebrero 22, 1987, sa Ingles) Bagaman hindi ako nagtatrabaho sa labas ng bahay, tiyak na mas marami akong nagagawa ngayon sa bahay simula nang umpisahan kong mag-ehersisyo nang palagian isang taon na ang nakalipas, at ako rin ay mas magaan ng 80 libra.

J. W., Estados Unidos

Acne

Ang inyong artikulo tungkol sa acne ay may pantanging interes sa akin, yamang ang problemang ito ay labis na nakainis sa akin nang ako ay isang tin-edyer. (Pebrero 22, 1987, sa Ingles) Ang nakatulong sa akin ay ang panlunas na ibinigay sa akin ng isang matandang Indyan na taga-Bolivia. Ganito iyon. Kumain ng maraming natural na yogurt, lalong mabuti kung walang asukal. Hilamusan ang mukha ng tubig na hinaluan ng katas ng limón (isang limón sa isang litro ng tubig) araw-araw. Pahiran ng pulot-pukyutan ang mukha minsan sa isang linggo, hayaang manatili ito roon sa loob ng di-kukulanging isang oras.

J. D. S., Brazil

Kami ay nasisiyahan na ang panlunas ay nakatulong. Hindi iminumungkahi ng “Gumising!” ang anumang partikular na panlunas. Kung ano ang mabisa sa isang tao ay maaaring hindi laging mabisa sa ibang tao.​—ED.

Pag-asa sa mga May Sakit sa Isip

Kami ay lubhang humanga sa inyong mga artikulo tungkol sa “Pag-asa sa mga May Sakit sa Isip.” (Pebrero 8, 1987) Ang aming pangkat, ang Nova Scotia Friends of Schizophrenics, ay umiiral na mula noong 1981. Naranasan namin ang di-mumunting kaigtingan at mga problema bilang mga kaibigan at mga kamag-anak ng mga mahal sa buhay na mayroong schizophrenia. Kami ay unti-unting nagtatagumpay na harapin at gamutin ang sakit na ito. Ang inyong pananaliksik at wastong pag-uulat sa tatlong mga artikulo ay ekselente at malayo ang nararating sa pagtulong upang maturuan ang publiko upang makamit natin ang kanilang pang-unawa at pagtangkilik.

C. L. C., Canada

Panganganak? O Aborsiyon?

Nabasa ko ang inyong mga artikulo tungkol sa “Panganganak? O Aborsiyon?” (Abril 8, 1987) Nasumpungan ko na ang mga ito ay ekselente, mahusay ang pagkakasulat at nakapagtuturo. Sumusulat ako hindi lamang bilang isang mambabasa kundi bilang isang manggagamot upang papurihan kayo. Nakakaharap ko ang mga pasyente na ang pasiya’y isang aborsiyon. Ibibigay ko ang labas ng magasing ito sa mga pasyenteng nagbabalak ng aborsiyon. Sumusulat ako mula sa karanasan tungkol sa bagay na ito. Hindi sa ako ay nagsagawa ng mga aborsiyon kundi noong minsan ako ay halos ipalaglag. Ang aking ina ay nagdalang-tao mga ilang buwan lamang pagkasilang niya sa aking kapatid na babae. Siya at ang aking ama ay nagpasiya na ipalaglag ang kaniyang dinadala, yamang hindi nila kaya na masundan kaagad ng isa pang anak. Papunta sa tanggapan ng doktor, nagbago ang isip ng aking ina. Ako ay isinilang isang taon at dalawang araw pagkatapos na isilang ang aking kapatid na babae. Ako ngayon ay isa nang manggagamot sa obstetrics-gynecology, isang asawang lalaki, at isang ama. Sana ang mga artikulong ito ay tutulong sa mga pasyente na makita ang kahalagahan ng buhay sa ating makalangit na Ama.

R. R., M.D., Estados Unidos

Nagpapasalamat sa Kung Ano ang Taglay Ko

Katatapos ko lamang basahin ang “Nagpapasalamat sa Kung Ano ang Taglay Ko” ni Lindsay Stead. (Mayo 8, 1987) Ito ay makabagbag-damdamin na kuwentong nabasa ko sa loob ng mahabang panahon. Nakukonsiyensiya tuloy ako ngayon kapag iniisip ko kung paanong kung minsan ay nagrireklamo ako nang walang kadahi-dahilan. Ako’y napaluha sa isinaysay na kuwento.

S. v. A., Zimbabwe

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share