Kung Masakit ang Ulo Mo
ANO ang gagawin mo para sa ginhawa? Isang lunas para sa sakit ng ulo na maaaring gumana sa ibang tao na gaya rin ng ginhawang dulot ng medisina ay isang balutan ng yelo. Malaon nang ginagamit upang mawala ang lagnat at mga pilay, maaari ring pawiin ng yelo ang kirot na dala ng sakit ng ulo, sang-ayon sa isang pag-aaral kamakailan. Sa 90 mga pasyente na dumaranas ng matinding sakit ng ulo, pati ng mga migraine, ang paggamit ng isang balutan ng yelo ay nagdulot ng ginhawa sa 71 porsiyento. Mahigit kalahati ang nakapansin na kagyat na nabawasan ang kirot. Bakit ito nakabubuti?
“Ang isang sakit ng ulo ay dala ng pamamaga o paglaki ng mga daluyan ng dugo,” paliwanag ni Dr. Seymour Diamond, direktor ng isang klinika sa Chicago na gumagamot ng mga sakit ng ulo. “Pangyayarihin ng lamig na lumiit ang mga daluyan na ito.” Inirirekomenda niya ang paglalagay ng dinurog na yelo sa isang bag na plastik at idiin ito sa iyong noo sa loob ng 30 hanggang 45 minuto samantalang nakaupo o nakahiga. Maaaring madama agad ang ginhawa dahilan sa pamamanhid na epekto ng yelo.