Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 11/8 p. 28
  • Mula sa Aming mga Mambabasa

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mula sa Aming mga Mambabasa
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Ating Namamatay na Kagubatan
  • Pakikipagkasundo sa mga Kapatid na Lalaki at Babae
  • Edukasyon sa Kolehiyo
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1988
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1987
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1985
  • Karagdagang Pag-aaral o Hindi?
    Gumising!—1994
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 11/8 p. 28

Mula sa Aming mga Mambabasa

Ang Ating Namamatay na Kagubatan

Ako’y lubhang nasisiyahang makita na kayo ay naglaan ng napakalaking lugar para sa pagtalakay sa kagubatan at sa mga panganib na nakakaharap nito. (Hunyo 22, 1987) Ang ating kagubatan ay maililigtas lamang kung matatanto hangga’t maaari ng maraming mamamayan ang panganib at gawin ang kanilang bahagi upang sugpuin ito. Ang layunin ng aming kapisanan ay upang turuan ang mga mamamayan kung gaano kagrabe na nanganganib ang ating kagubatan at sabihin sa kanila kung ano ang magagawa ng bawat isa.​—Managing Director, Endangered Forest Foundation.

C. A., Pederal na Republika ng Alemanya

Pakikipagkasundo sa mga Kapatid na Lalaki at Babae

Ako po’y labis na nagpapasalamat sa artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Bakit ba Napakahirap Makasundo ang Aking Kapatid na Lalaki at Babae?” (Hulyo 22, 1987) Kami po ay siyam sa pamilya, at natural na kami ay magsama sa mga silid. Ako po ay 12 anyos, at 5 anyos naman po ang kapatid na lalaking kasama ko sa kuwarto. Hindi ko po makasundo ang pagtatambak niya ng mga laruan at mga damit sa aking panig ng silid. Natulungan po ako ng inyong artikulo na lalo siyang maunawaan. Nagtatalo pa rin po kami, subalit kami po’y nag-usap na at natanto po namin na nangangailangan ng dalawa katao upang magkaroon ng pagkakaibigan. Kapuwa po kami hindi maayos na mga bata, at mahilig po naming sisihin ang isa’t isa. Subalit ngayon po ay tinitingnan ko ang kaniyang kapakanan at nasumpungan ko po na madaling mapagtagumpayan ang mga alitan kung maninindigan ka sa mga simulain ng Bibliya.

E. H., Inglatera

Edukasyon sa Kolehiyo

Ako’y lubhang nasiraan ng loob sa paglalathala ninyo ng liham sa pahina ng inyong “Mula sa Aming mga Mambabasa” tungkol sa edukasyon sa kolehiyo. (Agosto 22, 1987) Dapat din ninyong tanggapin na ang artikulong “College Education​—A Preparation for What?” (Enero 8, 1987, sa Ingles) ay hindi makatuwiran at may kinikilingan, at na sa wakas ang pasiyang mag-aral sa kolehiyo o hindi ay dapat na gawin sa isang personal, responsable, pang-isahang batayan. Natitiyak ko na kayo ay tumanggap ng mga liham na hindi sumasang-ayon sa artikulong iyon. Marami akong nakikilala na nakabasa nito at na may palagay na ito ay makitid at hindi makatuwirang pangmalas, subalit hindi ninyo inilathala ni isa mang salita tungkol sa naiibang opinyon. Ngayon, pagkalipas ng anim na buwan, isang liham na may makitid ding pangmalas ay sumasang-ayon sa artikulo at inilathala ninyo.

T. B., U.S.C., Estados Unidos

Sa katunayan, hanggang sa pagdating ng iyong liham, walang mga liham na tumututol sa artikulo tungkol sa edukasyon sa kolehiyo ang nakarating sa aming pansin. Sumasang-ayon kami na ang suliranin tungkol sa kung baga mag-aaral sa kolehiyo o hindi ay isang personal at pang-isahang bagay. Gayumpaman, inaakala namin na ang kalahating-pahinang artikulo, batay sa mga komento mula sa isang iginagalang na kolumnista ng pahayagan, ay nagharap ng ilang lubhang may kabatiran at maliwanag na mga kaisipan. Kung paanong mahalaga ang ilang kaalamang natatamo sa kolehiyo, hindi ito maitutumbas sa karunungang natamo sa pamamagitan ng karanasan. Pinag-alinlanganan ng artikulo ang praktikal na halaga ng ilang mga bagay na natututuhan sa kolehiyo at nagbigay ito ng makatotohanang pangmalas tungkol sa posibilidad na matupad ng mga estudyante sa kolehiyo ang kanilang mga pag-asa sa hinaharap. Gayundin, ibinigay rin ang babala laban sa paghahangad ng materyalistikong mga tunguhin. Maliwanag, hindi sinaklaw ng kolumnistang sinipi ang lahat ng aspekto ng paksa, subalit inaakala namin na sa ilang piling mga salita, gumawa siya ng napakabisang mga punto na dapat maingat na isaalang-alang.​—ED.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share