Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 12/8 p. 22-23
  • Ang Kahanga-hangang Padaluyan ng Tubig ng Segovia

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Kahanga-hangang Padaluyan ng Tubig ng Segovia
  • Gumising!—1987
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Paagusan—Kamangha-manghang Gawa ng Inhinyeriya sa Roma
    Gumising!—2014
  • Natatagalan ng Pont du Gard ang Pagsubok ng Panahon
    Gumising!—1991
  • Arkitektura
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ang Ikaanim na Kapangyarihan ng Daigdig—Roma
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 12/8 p. 22-23

Ang Kahanga-hangang Padaluyan ng Tubig ng Segovia

MAHILIG tayong mamangha sa mga nagawa ng modernong tao. Nagawa ng siyensiya at teknolohiya ang mga kababalaghan ng paglipad sa kalawakan at ibinunyag ang mga lihim ng atomo. Subalit kung nais mong ikaw ay gawing abâ, dalawin mo ang sinaunang lunsod ng Segovia sa Espanya. Habang ikaw ay nagmamaneho patungo sa dating lugar ng lunsod, ikaw ay hahanga sa isang kababalaghan ng sinaunang arkitekto at inhinyerya​—ang padaluyan ng tubig ng Segovia. Mula sa sinaunang panahon ito ay nagdala ng tubig mula sa kalapit na kabundukan ng Sierra Fuenfria hanggang sa Segovia.

Sa Plaza del Azoguejo, ang taas ng mga arko ng padaluyan ng tubig ay umaabot ng mga 28 metro sa ibabaw ng dating plasa sa palengke. Yamang ang padaluyan ng tubig ay umaabot ng mahigit 900 metro sa ibayo ng Segovia, ang 166 na mga arko nito ay nag-aanyo ng magandang dalawang-andanang disenyo, parang isang kurtina na nag-aanyaya sa iyong magdaan sa lumang Segovia at tingnan ang pagladlad ng kasaysayan sa harap mo. At ang padaluyan ng tubig ay kasaysayan​—itinayo ng mga Romano, sabi ng iba sa ilalim ni Emperador Augustus (27 B.C.E.-14 C.E.), at sabi naman ng iba ay sa ilalim ni Emperador Trajan (98-117 C.E.)

Ang modernong mga arkitekto ay humanga sa kayariang ito at lalo pa nang gunitain nila na itinayo ito ng mga Romano nang walang semento o apog. Ang mga bato ay idinisenyo, tinabas, at inilagay nang husto anupa’t natagalan nito ang halos 2,000 taon, at ang maliit na mga haligi ay nakatayo pa rin nang matayog. Ang mga arko ay ginawa sa isang balangkas na kahoy, at saka ilalagay ang tinatawag na keystone upang pagkabitin ang iba pang bahagi ng arko sa lugar. Pagkatapos ay inalis ang balangkas ng kahoy.

Noong ika-17 siglo ang padaluyan ng tubig ay binigyan ng pangalan na El Puente del Diablo (Ang Tulay ng Diyablo). Ano ang nagpasimula niyan? Isang alamat ang nagsasabi na itinayo ng Diyablo ang tulay at na lilituhin niya ang sinumang nagsisikap na bilangin ang mga arko. Hanggang sa ngayon may ilan pa ring pagtatalo sa eksaktong bilang ng mga arko, yamang ang ilan ay maaaring natatago. Ang kasalukuyang bilang ay 166.

Alam na alam ng mga Romano ang kahalagahan ng malinis na panustos ng tubig sa kanilang mga lunsod. Halimbawa, ang sinaunang Roma ay pinaglilingkuran ng 11 malaking mga padaluyan ng tubig na nagtutustos sa araw-araw ng mga 378,000,000 litro ng tubig, sang-ayon sa isang awtoridad. Ang malaking bahagi ng ruta na pinagdaraanan ng mga daluyang ito ng tubig ay hindi sa anyo ng tulay kundi bilang mga tunél o lungga sa mga burol at mga bundok. Ang mga Romano ay bihasang-bihasa sa paglalagay sa mga tunél na ito ng sapat na mga dahilig na dadaluyan ng tubig. Nagtatayo rin sila ng mga poste o haligi upang iwasan ang pagsasara ng hangin at para sa inspeksiyon at mantensiyon.

Kahit na sa ngayon, nakakalat sa ibayo ng Europa, “wari bang ang mga labí ng mahigit na 200 ng matandang Romanong mga padaluyang ito ng tubig​—na ang marami sa mga arko ay mas kaakit-akit kaysa roon sa paligid ng Roma​—ay naroroon pa.” (The New Encyclopædia Britannica) At isa na roon ang kahanga-hangang padaluyan ng tubig ng Segovia.

[Mga larawan sa pahina 23]

Ito’y itinayo ng mga Romano halos 2,000 taon na ang nakalipas

Ang padaluyan ng tubig, na itayo nang walang semento at apog, ay mayroon 166 na mga arko

Bahagi ng tanawin mula sa loob ng lunsod

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share