Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g87 12/22 p. 10-12
  • Bakit Ba Nahahati ang Aking Relihiyon?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Bakit Ba Nahahati ang Aking Relihiyon?
  • Gumising!—1987
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • Bakit Nahahati?
  • Ano ang Magagawa ng Taimtim na mga Katoliko?
  • Mga Biták sa Gusali
    Gumising!—1987
  • Bakit ang mga Pagkakabaha-bahagi?
    Gumising!—1990
  • Ang Bibliya o ang Tradisyon?—Isang Problema sa Taimtim na mga Katoliko
    Gumising!—1986
  • Bakit ang Matinding “Pagkabalisa?”
    Gumising!—1990
Iba Pa
Gumising!—1987
g87 12/22 p. 10-12

Bakit Ba Nahahati ang Aking Relihiyon?

ANG mga pagkakahati sa loob ng Iglesya Katolika ay kitang-kita anupa’t maraming taimtim na mga Katoliko ang nakadarama na gaya ng nadama ni apostol Pablo, na sumulat sa nababahaging mga Kristiyano sa Corinto: “Maliwanag na may malubhang mga di-pagkakaunawaan sa inyo. . . . Nahahati ba si Kristo?”​—1 Corinto 1:11, 13, The New Jerusalem Bible.

Maraming mapagmasid na mga Katoliko ang lubusang nakatatalos na ang Kristiyanismo ay hindi dapat na “nahahati.” Ang mga Katoliko, higit kaysa kaninumang iba pa na nag-aangking Kristiyano, ay may kabatiran tungkol sa pagiging isa ng tunay na relihiyong Kristiyano. Inaakala nila na isinasagawa nila ang gayong nagkakaisang relihiyon sa Iglesya Katolika. Ipinalalagay nila ang Protestantismo na isang nakalilitong halu-halong magkakasalungat na mga relihiyon. Para sa kanila, ang Iglesya Katolika ay kumakatawan sa katatagan at, higit sa lahat, sa pagkakaisa. Ngayon sila ay nalilito.

Bakit Nahahati?

Ang Iglesya Katolika ay nahahati sa pagitan ng liberal na mga progresibo, konserbatibong mga tradisyunalista, at ang karaniwang Vatican II. Maraming liberal na mga Katoliko ang nangangaral ng iba’t ibang mga teolohiya sa pagpapalaya na nagbibigay-matuwid sa pulitikal na rebolusyon. Halos sundin ng iba ang paraang Marxista at binibigyang-matuwid pa nga ang armadong paghihimagsik. Gayunman, sinabihan ng Pundador ng Kristiyanismo ang kaniyang mga alagad: “Hindi kayo sa sanlibutan, kundi pinili ko kayo mula sa sanlibutan. . . . Ang kaharian ko’y hindi sa sanlibutang ito.”​—Juan 15:19; 18:36, NJB.

Ipinagtatanggol ng mga tradisyunalista ang gawang-taong mga tradisyon at ang liturhiyang Latin na hindi naman mula sa kapanahunan ng Bibliya, yamang ang unang wika ng Kristiyanismo ay Griego, hindi Latin. Gayundin, sa pamamagitan ng kanilang hindi pagpaparaya at ng kanilang pagkaagresibo, hindi ba’t pinasisinungalingan nila ang kanilang pag-aangkin na pagiging mga Kristiyano? Si Henri Fesquet, dating kolumnista sa relihiyon sa pahayagang Pranses na Le Monde, ay sumulat: “Ang pagtatanghal ng mga Kristiyano [mga Katoliko] na nanunuyâ sa isa’t isa sa panulat at nag-aaway sa mga dako ng pagsamba ay isang kontra-patotoo na maaari lamang tumalbog sa kanila. Ano nga ang silbi na ipangaral ang liwanag sa pangalan ng Ebanghelyo kung pinasisinungalingan naman ng mga gawa ng isa ang kaniyang mga salita?”

Sinabi ni Jesus sa mga Fariseo: “Dahil sa inyong tradisyon ay niwawalang-kabuluhan ninyo ang salita ng Diyos.” (Mateo 15:6, The New American Bible) Gayundin ang palagay ng maraming taimtim na mga Katoliko tungkol sa modernong-panahong mga tradisyunalista.

Kapuwa ang mga progresibo at ang mga tradisyunalista (sa magkasalungat na mga dahilan) ay nag-aakala na ang konsilyo ng Vatican II ay nakagawa ng isang pulutong ng mahihina at karaniwang mga Katoliko. Kinapanayam ng mga awtor na sina Puyo at Van Eersel ang Pranses na pilosopong Katoliko na si Jean Guitton, membro ng French Academy. Binuod nila ang kaniyang palagay na gaya ng sumusunod: “Ang Kredong Katoliko, ang diwa ng Simbahan, ay nagkakasalungatan, ang pinakamasigasig sa gitna ng mga tapat ay natatanging itinatalaga ang kanilang mga sarili sa pulitika, ang mga kabataang Kristiyano [mga Katoliko] ay kampanteng nagtatalik bago mag-asawa, wala nang nakakaalam kung paano wastong ikakapit ang Konsilyong [Vaticano], at ang bayan ng Diyos ay pawang nasa karagatan.”

Mauunawaan kung gayon, ang taimtim na mga Katoliko ay nagtatanong, ‘Bakit ba nahahati ang aking relihiyon?’ Ang sagot ay: Sapagkat isa man sa bahagi nito ay hindi tumatanggap sa Bibliya bilang ang mapaniniwalaang awtoridad sa pagkilala sa katayuan ng tunay na mga Kristiyano tungkol sa lahat ng bagay. Kaya sila ay nahahati sa iba’t ibang mga teolohiya at mga interpretasyon ng mga tradisyon.

Ano ang Magagawa ng Taimtim na mga Katoliko?

Sa isang okasyon noong 1981, inihinto ng mga Katolikong tradisyunalista ang isang ekumenikal na serbisyong ginaganap sa isang simbahang Katoliko sa Paris. Si Arsobispo (ngayo’y Kardinal) Lustiger ng Paris ay nagsabi roon sa mga nagpaiwan sa simbahan pagkatapos ng kaguluhan: “Tayo ay nagtungo rito upang humiling ng mga kaloob ng Espiritu na pisaning-muli ang nagkalat na mga anak. Sa halip, nakita natin ang pagpapabanaag ng mga pagkakahati sa gitna ng mga Kristiyano, ang multo ng Babel.”

Ang Babel ang lugar kung saan ginulo ng Diyos ang wika niyaong nagsasagawa ng huwad na pagsamba. (Genesis 11:1-9) Nang malaunan, ito ang lugar ng lunsod ng Babilonya, ang pinagmulan ng nakalilitong libingan ng mga diyos at mga diyosa. Sa Bibliya ito ay naging sagisag ng isang pambuong-daigdig na relihiyosong sistema ng magulong relihiyon. Ang Theological Wordbook of the Old Testament ay nagsasabi: “Kahit na noong dakong huli ng unang siglo A.D., tinukoy ni [apostol] Juan ang relihiyosong sistema, ang Babilonya, bilang ang ‘Ina ng mga patutot at ng mga kasuklam-suklam sa lupa’ (Apoc 17:5).”

Tinutukoy ang makasagisag na Babilonyang ito, o ang pandaigdig na imperyo ng huwad na pagsamba, inaanyayahan ng Bibliya ang lahat ng taimtim na mga tao na kumilos kaagad, na ang sabi: “Lumayo ka sa kaniya, bayan ko, sa takot na ikaw ay makisama sa kaniyang mga kasalanan at makibahagi sa mga salot na pasasapitin sa kaniya!”​—Apocalipsis 18:4, NAB.

Maraming taimtim na mga tao ang umaalis sa organisadong mga relihiyon ng Sangkakristiyanuhan. Halimbawa, isang dating sarado Katoliko na nakatira sa French Alps ay kusang sumulat sa tanggapang sangay ng mga Saksi ni Jehova sa Pransiya na gaya ng sumusunod: “Kasuwato ng 1,000-taon-gulang na tradisyon ng Iglesya Katolika, ako’y nabinyagan mula sa pagkasilang sa pananampalatayang Katoliko. Ako’y aktibong Katoliko sa loob ng 50 taon. Noong 1980, ako’y kumbinsido na ang Iglesya Katolika ay mali. Nasiraan ako ng loob at lubhang nasindak. Nagkaroon ako ng maraming pagtatalo sa mga pari na hindi iginagalang ang kanilang mga panata. Sa loob ng maraming taon nakarinig na ako ng tungkol sa mga Saksi ni Jehova, karamihan ay hindi kaaya-aya. Pagkatapos ng mahabang panahon ng pag-iisip, binuksan ko ang aking pinto sa kanila. Tinulungan nila ako na makita na ang Bibliya ay naglalaman ng mga kasagutan sa ating mga katanungan. Natalos ko rin na pagkatapos ng 50 taon ng aktibong paglilingkod sa loob ng Iglesya Katolika, wala akong nalalaman tungkol sa Bibliya, kahit na mayroon akong isa nito. Ang mga Saksi ang tumulong sa akin na ‘tuklasin’ ang Bibliya.”

Si Ginette, na nakatira sa Paris, ay isa ring debotadong Katoliko. Sa katunayan, nang ang kaniyang asawa ay nagsimulang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, ginawa niya ang lahat ng kaniyang magagawa upang hadlangan siya, at pinanatili niya ang kaniyang pagsalansang sa loob ng ilang taon. Ano ang nagpangyari na siya ay magbago? Sulat niya: “Nawalan ako ng tiwala. Ang simbahan ay hindi na nakagagawa ng anumang kabutihan sa akin. Upang simulan, isinaayos ko na magharap ang aking pari at ang mga Saksi. Subalit hindi nagtagal nakita ko na hindi masagot ng pari ang kanilang mga katanungan.” Tinanggap ni Ginette ang isang pag-aaral sa Bibliya na kasama ng mga Saksi. Ngayon siya at ang kaniyang asawa ay maligayang naglilingkod sa Diyos sa loob ng nagkakaisang internasyonal na sambahayan ng mga Saksi ni Jehova.

Kung ikaw ay nalilito at nababalisa dahil sa mga pagkakabahagi sa loob ng iyong relihiyon, inaanyayahan ka namin na humingi ng higit na impormasyon buhat sa Saksi na nagbigay sa iyo ng magasing ito o sumulat sa mga patnugot. Ang mga Saksi ni Jehova ay malulugod na tumulong sa iyo na masumpungan ang isang maibiging internasyonal na sambahayan ng mga Kristiyano na talagang nagkakaisa sa kanilang pagsamba sa Diyos.

[Blurb sa pahina 11]

“Ano nga ang silbi na ipangaral ang liwanag sa pangalan ng Ebanghelyo kung pinasisinungalingan naman ng mga gawa ng isa ang kaniyang mga salita?”​—Pahayagang Pranses na “Le Monde”

[Blurb sa pahina 12]

“Nakita natin ang isang pagpapabanaag ng mga pagkakahati sa gitna ng mga Kristiyano, ang multo ng Babel.”​—Kardinal Lustiger ng Paris

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share